Chapter 57: Almost Lovers (Katherine and Shino's past)

4.8K 69 7
                                    

A/N: ISANG NAPAKAHABANG UPDATE PARA SA INYO! MEDYO MATATAGALAN KASI YUNG SUSUNOD. SANA PO DI KAYO MASUKA, MAUMAY AT SUMUKO SA PAGBABASA NITO! \ (^_^) /

CHAPTER 57:  Almost Lovers (Katherine and Shino's past)

“Daddy! Daddy!”  Sigaw ko habang hinahanap kung saan ba nagtungo si daddy. Wala naman akong ibang gustong makita kung hindi siya pero hindi ko inaasahang may maririnig akong iyak ng bata sa may di kalayuan.

Inaamin kong natatakot ako pero nakita ko na lang ang sarili ko na hinahanap  ang pinagmumulan ng tunog , gusto kong  alamin kung sino ba ito at kung bakit siya umiiyak.

Napag-alaman kong sa isang maliit na kubo na naka-puwesto may likod bahay ng mga Thompson nangagaling ang iyak na iyon.

Nilapitan ko ang bahay, luma na ito at medyo sira-sira na rin kaya nagkaroon ako ng pagkakataong silipin kung sino man ang batang iyon.

Laking gulat ko nang makakita ako nang batang lalaki na nakahiga at namamaluktot sa may sahig. Puro pasa ang mukha nito at kalmot naman ang nasa braso. Gusto ko sana siyang tulungan pero naka-kadena at kandado ang pintuan sa may kubo kaya naman wala akong magawa kung hindi ang kaawaan siya.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng bukas ng pinto mula sa kanilang kusina. Yun din ang pintuang binuksan ko para matunton itong likod bahay.

Kinabahan ako dahil siguradong may taong papunta dito kaya naman agad akong nagtago sa may halamanan malapit sa may kubo. Dun ay Malaya kong masisislip kung ano ang mga susunod na mangyayari sa likod bahay atsaka sa kubo pero kailangan ko ring maging maingat para hindi nila ako makita.

Nakita ko si Mrs. Anne Thompson na naglalakad papalapit  kubo, may hinugot siya sa kanyang bulsa at napag-alaman kong susi iyon sa kubo sapagkat nabuksan niya ang kandado at nai-alis ang mga kadenang nakapalibot sa pintuan nito.

“Hoy  tumayo ka diyan at lumapit dito.” Naka pamewang na pag-uutos ni Mrs. Anne sa bata.

Paano makakatayo yung bata eh bugbog na ang kanyang katawan at mukhang nanlalamig pa siya dahil sa  taglamig na?  Tanong ko sa aking sarili.

Ipinagpatuloy ko lamang ang panonood sa kanila at laking gulat ko nang makita ko yung batang lalaki na i-ika-ikang lumapit kay Mrs. Thompson. Agad namang hinablot ni Mrs. Thompson ang kamay ng lalaki at kahit pa ika-ika ito ay kinaladkad niya pa din ito para makasabay sa kanyang paglakad. Sobrrang naaawa ako sa batang iyon pero wala talaga akong magawa.

Makalipas ang ilang oras ay nakita ko na rin ang daddy ko at napagdesisyunan na naming sumakay sa kanyang sasakyan para umuwi. Galit sa akin si daddy sapagkat binigyan ko daw ng problema ang halos lahat ng tao sa mansyon ng mga Thompson , maging siya daw ay pinag-alala ko din.

HE IS MY SHE  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon