Chapter 42: BADTRIP!

4.8K 97 16
                                    

Chapter 42: BADTRIP!

[Raijen's POV]

Napabalikwas ako habang naliligo dahil sa naririning kong sigawan sa may labas ng banyo. Boses iyon ni Shino atsaka boses ng isang babae. T-teka, babae?! Sino naman kaya yun? B-baka si Katherine? Sana naman hindi dahil talagang katapusan ko na kung saka-sakali.

Sinubukan kong pakinggan kung ano ba ang kanilang mga sinasabi pero hindi ito naging malinaw sa pandinig ko.

Sheez! Wala pa naman akong damit na kahit ano at mukhang delikado kung lalabas ako ng nakatapis lang ng tuwalya, baka kung ano pa ang isipin nung babaeng yun.

Nasapo ko lamang ang aking ulo sa kunsumisyon, hindi pa rin tumitigil ang ingay sa labas. PSH! hindi ko na tuloy maiwasan ang mag-alala. Hindi makakatulong kung mananahimik lang ako dito sa loob, malay ko ba kung may nangyayari na palang hindi maganda kay Shino.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng banyo upang silipin kung ano ba ang nangyayari sa labas. Agad ko namang natanaw ang dalawang tao na nakaupo sa may di kalayuan.  Malinaw na si Shino ang lalaking natatanaw ko pero may babaeng tumatabing sa kanya, iba ang buhok at postura nung babae, malabong si Katherine ito.  Nakayuko ang babaeng ito sa harapan ni Shino at kung titignan silang dalawa ay para silang naghahalikan o kaya naman ay may ginagawang kung anong milagro don.

'"Kaya pala nagsisigawan, mukhang may milagrong nagaganap."

Halos makagat ko na ang aking labi sa sobrang gigil habang sinasambit ang mga salitang iyon.

Medyo nag-init ang mga mata ko sa mga bagay na biglaan na lang pumasok sa isip ko kaya naman agad akong humablot ng tuwalya, itinapis ito sa aking katawan at lumabas ng banyo.

"Hoy anong ginagawa ninyong dalawa diyan!?"

Agad namang nabuwag ang posisyon nila ng marinig nila ang boses kong rumerepeke.

Napasimangot naman ang babaeng kasama ni Shino ng lingunin ako. Argh! Sino ba tong labanos na to? Bakit ganun na lang katalas kung makatingin?

"So ikaw pala yung akyat-bahay?! Ang kapal naman ng mukha mo at nakuha mo pang makiligo sa condo ko!"

Nagmamadali siyang lumapit sa akin habang dala-dala niya ang isang piraso ng sapatos na animo'y isang kutsilyo kung itapat niya sa akin

"Hoy! Anong akyat bahay ka diyan?! Sa ganda kong to?!" 

Agad akong napatigil sa pagputak ng biglaan kong nasabi ang mga salitang yun. Yak lang ah! Ang girly teh. Hindi ko sinasadya yun. PRAMIS PO.

"I mean sa pogi kong to."

Biglang bawi ko.

"Whatever! Mukha kang paa! Atsaka sino ka ba bakit ka nasa condo ko?"

"Teka, condo mo to?"

"Oo! I'm Shina Thompson and I'm the owner of this condo!"

HE IS MY SHE  (COMPLETED)Where stories live. Discover now