Chapter 20: Grand Wintermelon Island (PART ONE)

6.3K 133 17
                                    

Chapter 20:  Grand Wintermelon Island (PART ONE)

Mainit na panahon, mataas ang sikat ng araw pero nalalanghap ko pa din ang sariwang simoy hangin. Tanaw ko ang  bughaw na kalangitan at karagatan  pati na ang magandang tinig ng agos nito, ang nagtataasang mga puno ng niyog na lumilimlim sa akin at ang abs ni Shino na nasa harapan ko ngayon.

H-HAH!!! ABS NI SHINO!!!!!!!???

Hello, nandito ang buong klase namin sa Grand Wintermelon Island.  Isang beach resort na pag-aari ng Harris family. Acquaintance party talaga dapat namin ngayon sa university kaso nagdecide si Katherine na instead of attending the school event eh mag gather na lang daw kami ng mga classmates ko sa resort nila. Agad naman silang pumayag sa desisyong iyon ni Kat kaya nandito kami ngayon  at nagrerelax-relax sa beach.

Hindi ko feel ang makisalamuha sa iba kong kaklase kaya naman pinili kong manatili dito sa ilalim ng nakatayong umbrella at nakalatag na sapin para makapagpahinga. Humiga ako at nagmuni-muni  hanggang sa makaidlip. Ang naaalala ko ay katabi ko ang nag-aaral na si Zenji na napilit kong sumama dito. Wala kasi talaga siyang interes sa paglalakwatsa at pinakalibangan na niya ang pag-aaral. Scholar eh!

 Gulat ko naman ng pagdilat ko ay masisilayan ko si Shino sa may unahan ko na naka topless  at tinitignan ako.

“A-anong kailangan mo?!!!”

Pagulat na tanong ko sa kanya.

“Gusto mo? “

May inaabot siyang baso ng halo-halo sa akin.

Hindi naman ako mapakali kasi nagulat talaga ako ng makakita ako ng body beautiful sa harapan ko. May abs siya at muscles pero hindi naman siya  yung tipong batu-bato, ang hot niya talaga may pa S shape nga yung bewang niya eh bihira akong makakita ng ganun at kadalasan sa TV lang. Slim naman din si kuya kaso wala siyang abs at si papa naman ay medyo chubby si Zenji….

Lumingon ako sa bandang kaliwa kung saan nakahiga si Zenji at nagbabasa at nanlaki naman ang mga mata ko dahil nakita ko itong wala ring pang itaas na saplot. Kahit nerdy nerdy siya  eh may maganda rin pala siyang katawan. Ang hot  niyang tignan habang inuunan  niya ang kaliwang palad niya habang nagbabasa ng libro, pawisan din siya nung mga oras na yun at biglang tumingin sa akin.

 

“Yes bossing? Bakit mo ko tinitignan?”

Namula ako at napailing-iling, napaliligiran kasi ako ngayon ng mga lalaking may magagandang katawan. Hiyang-hiya naman ako kasi ang payat ko kung ikukumpara sa kanila.

“Wala!”

Bumaling ako ng tingin kay Shino para kunin yung halu-halong ino-offer niya.

“Ikaw tol gusto mo?”

Tanong niya kay Zenji.

“Oo, meron pa ba?”

“Oo madami pa, kuha ka dun oh. Libre lang yun para sa lahat ng mga estudyante ng Ashton University.” Sabay turo niya sa may tindahan ng halo-halo malapit sa isang kainan.

HE IS MY SHE  (COMPLETED)Where stories live. Discover now