Chapter 9: Sikreto

7.2K 161 17
                                    

Chapter 9:  Sikreto

“Miss Raijen Fernandez”  Bigla na lang ako nakarinig ng boses na tumatawag sa pangalan ko kung saan.

“Huh? M-miss?”

Hinanap ko kung saan galing pero kusa ng lumapit sa akin ang babaeng iyon. Siya din yung nurse na gumamot sa sugat ko nung nabugbog ako. T-teka…

“T-teka po, b-bakit nyo po ako tinatawag na miss?” Pamaang na tanong ko pero sa totoo lang ay kinukutuban na talaga akong may alam siya.

“I discovered about it while I’m nursing you earlier and Mr. Shino Thompson also reported about your real identity so you can’t hide your gender to me anymore.”

“P-po?! Si Shino?!”

WHAT THE HECK! ANO BA TALAGANG MOTIBO NG BALIW NA YUN!? A-AKALA KO BA KAIBIGAN NA NIYA AKO PERO BAKIT KAILANGAN NIYANG IBUNYAG ANG BAGAY NA AYOKONG MALAMAN NG LAHAT!!? ANO BANG GUSTO NIYA????????????!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! ANOOOOO?!

“So are you ready Miss Raijen?” Mapang-asar na tanong nung nurse.

“H-huh! Bakit? UWAAAAH!!”

Nagulat na lang ako ng may naglabasan pang ilang mga nurse. Hinawakan nila ako at hinubaran ng uniform. Sinukat din nila ang size ng dibdib,bewang at braso ko.

Wala na akong magawa kung hindi tumulala na lang. HAAAAYS! ANO BANG NANGYAYARI DITOOOOOOOOO?!

Makalipas ang ilang oras at nakaalis nako sa infirmary na ginawang miserable ang mga susunod ko pang buhay. 

Ika-ika akong maglakad dahil sa 3 inches heels na sapatos na suot ko ngayon. Puro hatak din ako sa paldang above the knee lang ang haba.

Opo! NAKAPAMBABAENG UNIFORM NA AKO NGAYON AT HINDI KO YUN MATANGGAP!!!!! Pakiramdam ko’y pinagtitinginan ako ng lahat ng tao sa paligid ko. Ewan ko kung imagination ko lang yun pero yun kasi ang pakiramdam ko eh.

“Buwisit kang Shino ka! Pag nakita kita sasapak-sapakin kita! Sinira mo mga plano kooo!!!! Sinira mo ang buhay kooooooooooo!!!!!!”

PAK!

May kung anong bagay ang tumama sa pagmumukha ko.

“N-naku miss pasensya ka na huh.” Mahinahong sabi nung boses. Bumangga ako sa likod ng isang lalaki.. W-wait…. parang boses ni Shino yun ah.

Tumingin ako pataas at nakita kong tama nga ang hula ko.

“Shino!” Tinitigan ako nitong mabuti nang tawagin ko siya sa pangalan. Kinikilala pa yata ako ng gagu.

“RAIJEN!”  Nakangiti ito ng mapang asar at lumapit ng kaunti sa akin.

“Seriously, ikaw yan Raijen? Parang bakla lang!”  Nakuha pang mang-asar ng loko!

“Engot ka ba o nag e-engot engotan lang? Di mo na ko makilala porke’t nakasuot na ko ng uniform na pambabae? At the first place ikaw  naman ang dahilan kung bakit ako nakaganito ngayon!!!! Atsaka anong bakla ang sinasabi mo?!”  Inis na sigaw ko.

“Teka, bakit ba ang highblood mo? Oo, ako nga ang dahilan kung bakit alam na ng principal at faculty members na babae ka pero I have good reasons for telling them what you really are.”Sagot ni Shino.

“Good reasons good reasons, che!! Lokohin mo lelang mo, alam ko namang may evil plans ka sa akin. Bakit pa? Diba sinabi ko naman na sayo na tanggap ko ng hanggang friends na lang kami ni Katherine?!! Bakit mo ba ko ginaganitoooo?!!!!!”  Iritang sabi ko habang ginugulo ko ng hard ang buhok ko.

HE IS MY SHE  (COMPLETED)Where stories live. Discover now