Chapter 4 : Friends na tayo huh?

8.7K 207 50
                                    

Chapter 4 : Friends na tayo huh?

"Gusto ko si Katherine! "

Diretsong sagot ko kay Zenji. Di na ko magpapatumpik-tumpik pa dahil gusto ko talaga si Katherine Harris!

"A-ano?!" Gulat niyang tanong. Ano naman ang nakakagulat dun? Kahit sinong lalaki naman siguro ay talagang mabibighani sa ganda ni Katherine di bale na lang kung bakla siya .

"Ang sabi ko, may gusto ako kay Katherine!" Paglilinaw ko sa kanya.

"Pero boss alam mong hindi kayo puwede!" Pagtututol ni Zenji.

"Bakit, dahil ba sa mayaman siya?" Inis na sagot ko. Huwag niya kong badtripin!

"Hindi! May mas malalim pang dahilan boss! Alam naman nating dalawa na..."

Bago pa man niya maituloy ang kanyang sasabihin eh bigla na lang bumukas yung pintuan malapit sa teachers table at kasunod nun ang pagpasok ng isang lalaki na medyo may edad na.

"Good Morning po sir!" Sabay-sabay na bati nang mga estudyante.

"Good morning din class! Have a sit" Sagot niya.

"By the way, I'm Mr. Hanson Villamour. I'm a former college professor from USA and decided to go back in Philippines because of my family; I just simply want to be with them. I've been teaching here in Ashton University for almost three (3) years. Too much for that, I already introduced myself to you so now I want you to introduce yourself to me one-by-one. Let's begin with you the man at the corner."

Para siyang ewan dire-diretso magsalita, pano kaya kung nagkamali siya nang pinasukang room? Mehehe . Balik na tayo sa eksena.

Si Shino ang tinutukoy niya, imposible naman na di pa nya kilala si yung tukmol na yun. Anak kaya siya ng mamay-ari ng school.

"Hi Sir Villamour, hello classmates. I'm Shino C. Thompson, the son of Mr. Ashton Thompson. Twenty (20) years old na ko ngayon pero third year college pa din, tamad kasi akong mag-aral noon kaya late na akong pumasok sa elementary pero heto at bumabawi ako ngayong kolehiyo. Hobby ko ang mag basketball at may talent din ako sa pag su-swimming. Di nyo po naitatanong pero magaling din po ako magluto at pinapangarap kong maipagluto ng pinakamasarap na pagkain ang magiging future wife ko."

"Kyah! Ang pogi talaga ni fafa Shino noh? " Tili nung babae sa likuran ko, yung katabi niya ata kinakausap niya.

"Tumigil ka nga diyan at may fiancée na yan." Sagot nung katabi niya. Tae tong mga to! Mayaman lang yun! Mas pogi ako dun ano! Psh!

Atsaka ang plastic niya! Di naman talaga ganyan ang ugali ng Shinong yan eh. Pasikat ampotek!

"See girls, heto ang tinatawag nating dream guy." Pagmamalaki nung professor kay Shino. Psh! Ako kaya ang tunay na larawan ng dream guy.

"Naku, hindi naman po sir." Ngumiti si Shino na parang mabait na tao.

"Kyah! Tama po kayo sir dream guy po talaga namin sya!!" Mahaharot na sigaw ng mga babae sa classroom.

"Naku, nakakahiya naman sa inyo. May mga kapintasan din po ako."

HAAAAY! Gusto kong pumalakpak sa galing nitong umarte. Akala mo mabait na tupa ngayon pero impakto talaga ang isang ito. Matapobre! ANG PLASTIC PLASTIC NIYA!!

HE IS MY SHE  (COMPLETED)Where stories live. Discover now