Chapter 35 : Paradise

5.7K 111 10
                                    

Chapter 35 : Paradise

"Kiss me"

"H-hah?"

"Halikan mo ko."

Sinimulan niya na ang pumikit at magpout nang lips. Nung una ay hindi ko na gets kung bakit niya ginawa iyon pero di maglaon ay nakuha ko na kung ano ang gusto niyang mangyari.

Anong gagawin ko? Kiss ko na ba?

Lumingon-lingon ako sa paligid para tignan kung may mga nakatingin ba sa amin pero lahat sila ay busy sa pinapanood na palabas. Lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kamay niya dahil sa kaba at tensyon na aking nararamdaman.

Tinitigan ko siyang muli at nakita kong nakapikit pa din siya, hinihintay niya siguro na halikan ko ang mga labi niya.

Huminga ako nang malalim at kinundisyon ang sarili ko. Unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya habang unti-unti ko ding ini-stretch pa pout yung lips ko papadikit sa lips niya.

Sa oras na maipaglapat ko ang aming mga labi ay magseseryoso na talaga ako sa kanya. Magpapakalalaki na ako at hindi na muling mahuhulog pa sa ibang lalaki. Magiging ganap na girlfriend ko na si Honey at wala na rin akong pakielam sa kung ano pa man ang maging reaksyon nang kuya ko.

Konting distansya na lang ang layo nang aming mga labi, konting push pa at mahahalikan ko na siya.

1

2

3

POK!

"Aray!" Biglang daing ni Honey dahil sa tumapong mga popcorns sa ulo niya. Halos maligo na siya sa popcorn nang aking imulat ang mga mata ko.

"Sino yan! Bastos ka ah!" Bulyaw ko sa likuran ko pero wala naman akong nakitang tao dun.

PSH! Imposibleng walang tao dun, ano yun may lumilipad na popcorn ang bigla na lang matatapon mula sa langit? Nakatakbo na siguro o kaya naman ay nagtatago ang walang hiyang gumawa nun.

[Shino's POV]

Anak nang! Muntik na yuuun! Muntik na nila akong mahuli at muntik na ring mahalikan ni Raijen yung babaeng yun! Buti na lang at nakapagtago agad ako sa likod nang upuan nila matapos kong ibato lahat nang popcorn na dala ko kay Honey. Nakahilata lang ako dito  sa oras na bumangon ako ay baka makita nila ako at mabuking na sinusundan ko sila. hindi puwedeng mangyari yun dahil baka magkaron nanaman kami nang koneksyon ni Raijen. Argh!

Woooooosh!


Ay anak nang saan nanggaling yung flying softdrinks na yun! Siguro si Raijen yun at sinabuyan ako nang inumin nila mula sa likod. Nabasa tuloy ang damit ko. Salamat na lang at may baon akong extra shirt at pants dahil wala naman akong balak na suotin hanggang sa pag-uwi ko ang damit na suot ko ngayon ang kaso lang, hindi na pang disguise ang mga damit na baon ko. Naku! Raijen ka!!!!

Gumapang ako hanggang sa matunton ko yung dulo nang mga nakahilerang upuan kung saan ako naka puwesto. Parang tanga noh?

Tumayo na lang ako nang matunton ko ang dulo nun at nagmadaling pumunta nang CR. Magbibihis muna ako.

HE IS MY SHE  (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin