Chapter 62

4.5K 63 17
                                    

Chapter 62

Shino’s  POV

Tahimik kaming lumabas ni Raijen sa mall. Wala ni isa ang umiimik sa amin. Nauuna si Raijen sa paglalakad, naka-yuko siya at yakap-yakap si Shinjen . Habang ako naman ay nanatiling nasa likuran  niya at hindi maka move-on sa surprise kiss na binigay ni Raijen sa akin kanina. Napapangiti tuloy ako nang wala sa oras.

“Mama, tignan mo yung lalaki oh. Tumatawa kahit wala namang kausap.” Bulong nung bata na napasabay sa aming paglalakad. Agad siyang hinila papalayo nang kanyang ina sa akin.

Inayos ko ang aking hitsura dahil nagmumukha na pala akong baliw. Pasalamat yung batang yun good mood ako dahil tatadyakan ko siya pag wala ako sa mood.

Napatingin ako sa baller na aking suot na talaga namang nakaka-good vibes. Hindi ko napigilan na maisip ang eksena kanina. Nakikita ko pa rin ang cute na mukha ni Raijen na unti-unting lumalapit sa mukha ko pati ang pink at maliit niyang mga labi na unti-unting dumadampi sa mga labi ko.

"Yes!" Absent minded kong nasabi, napapitik pa ako at  napatalon na naging dahiln para mas lalo akong pagtinginan ng mga tao sa paligid. Tinititigan nila akong maigi at may bahid ng panlalait ang mga titig nila na iyon. Wala akong maisip na gawin, wala ako sa mood magsungit dahil automatic akong napapangiti kaya kinindatan ko na lang sila. Biglang nagsilakihan ang simangot nilang mga mata, tapos nun ay naagsisigaw at nagtatalon.

"Shet! Ang pogi nung baliw!" Ngawa nung college students na halatang nag-aaral sa paaralang pang hampaslupa dahil  sa porma nilang mukhang payaso na sinabitan ng chrismas decor.  Mga bwisit!  Okay na sana yung "ang pogi" eh bakit kailangang may kasama pang baliw? 

Muli akong napalingon kay Raijen at literal akong nagulat at napaaatras ng mapagtantong nakaharap pala ito sa akin pati yung aso namin na galisin.

" Talagang kailangan nagugulat?" Pa-Vice Gandang tanong ni Raijen sa akin. Kinikilig pa rin talaga ako sa mukha niya, sa boses niya, sa lahat ng tungkol sa kanya! Tanging malaking ngiti lang ang nasagot ko sa kanya.

Inirapan niya lang ako at muling tumalikod.

"Baliw!" sabi ni Raijen.

Grabe! Kinilig ako sa sinabi niya! <3

Naglakad kami patungong parking lot dahil dun naka park yung kulay gray na BMW ko na sinakyan namin ni Raijen  kanina papunta dito.  

Pinagbuksan ko si Raijen ng pintuan ng sasakyan at agad naman siyang pumasok sa loob nito. Absent-minded akong napapangiti habang nililibot ng aking mga mata ang kabuuan ng  parking lot ng bigla na lamang akong makarinig ng malakas na kalabog sunod nito ay ang hindi maipaliwanag na sakit na humahagod sa limang daliri ko sa aking kaliwang kamay. 

"FU<K! ARAAAAAAY!" Late reaction kasi  ngayon ko lang naramdaman yung sakit, napagtanto kong sinara ko pala agad yung pintuan ng kotse habang nakakapit pa ako sa door jamb ng sasakyan ko.

HE IS MY SHE  (COMPLETED)Where stories live. Discover now