Chapter 74: Deeper Love

4.8K 68 12
                                    

Chapter 74: Deeper Love

Shino's  POV

Alam niyo ba yung pakiramdam na gulong-gulo ka sa mga bagay-bagay? Yun bang bigla ka na lang makakaisip nang mga pangyayaring hindi mo na gusto pang balikan at pilit pa rin nitong sinisira ang mood mo?

Ako madalas kong nararamdaman yun. Palagi na lang pumapasok sa isip ko ang pang-gugulpi ni daddy sa mommy, tapos nun ako naman ang pagbabalingan ni mommy dahil nga sa nabuo lang ako sa  puwersahang pakikipagtalik sa kanya nang daddy.

Imbis na mahal kita o mga salitang mula sa ina ang yayakap sa akin habang nasa musmos na edad pa lamang ako, salitang masasakit at hindi dapat sinasabi sa isang batang wala pang muwang ang aking naririnig "NI MINSAN HINDI KO PINANGARAP NA MAISILANG KA!" Iyan ang paboritong sabihin ni mommy sa akin. Isang sumbat na nagpadama sa akin na wala akong papel sa mundong ito. Minsan  nga iniisip ko kung bakit pa ba ako isinilang.

Lumaki akong walang nararamdamang pagmamahal mula  kenino. Takot akong maging mabait dahil takot din akong ma-reject at iwan nang kahit sino. Lalo akong napapaisip kung bakit kaya? Hindi naman ako naging masama sa kanila pero bakit masaya silang sinasaktan ako? Anong nakukuha nila sa tuwing dadaing at iiyak ako?

Wala akong permanenteng kaibigan, walang ibang nag-aruga sa akin kung hindi ang mga yaya ko lang. Malinaw din sa isip ko na ginagawa lamang nila ito para sa kanilang suswelduhin. Hindi para iparamdam sa akin na may nilalang pa  rin sa mundong ito ang nagmamalasakit sa akin. Isa lamang akong nilalang na aksidenteng nabuo sa mundong ito at hindi tanggap nang kahit sino.

Nang isilang si Shina  ay agad akong nakaramdam nang matinding pagseselos. Bakit siya kinakarga ni mommy na may buong pagmamahal? Kinakantahan pa niya ito. Yun ang mga panahong hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit kusang tumutulo ang mga luha ko. Ang marinig ng boses ni mommy na hinehele ang kanyang anak. Napakaganda nang mga ngiti ni mommy. Bakit hindi ko naramdaman iyon at tanging masasakit na salita lamang ang ibinibitiw niya sa akin?

Sa oras na may problema ako, wala akong matakbuhan. Nakikita ko na lang na  ako lang din ang humahawak  sa sarili kong mga kamay upang patahanin ang aking sarili. Ni minsan walang taong ngumiti sa harapan ko at sa oras na gawin nila iyon alam kong may malaki itong kapalit o pabor mula kay daddy.

Malungkot at madilim ang nakaraan ko, kaya naman medyo nakakita ako nang kaunting liwanag nang makilala ko si Katherine. Siya ang taong totoong nagmalasakit sa akin noon. Kaya nakaramdam ako nang takot sa biglaang pagpasok ni Raijen sa eksena. Akala ko siya ang lalaking nanakaw kay Katherine pero mali ako. Hindi pala siya lalaki, isa siyang babae.

Isang babaeng magpapabago nang kapalaran ko, isang babaeng magpaparamdam sa akin nang tunay na kaligayahan. Alam ko sa sarili kong masaya ako sa tuwing kasama ko siya. Nagiging totoo ako sa aking sarili at gumagaan ang aking kalooban. Nakaramdam ako bigla nang tunay na pagmamahal at kaligayahan. Nahuhuli ko palagi ang sarili kong ngumingiti.

Hindi ko alam kung anong katangian o hitsura ba nang babae ang gusto hanggang sa makilala ko si Raijen, at ang lahat nang mayroon siya ay ideal para sa akin. Ang mabibilog at medyo chinita niyang mga mata, ang hindi katangusan at maliit niyang ilong, ang napakaganda niyang mga ngiti, ang buhok niyang  mabango pero gupit lalaki, ang paraan nang kanyang pananalita kahit pa para siyang nakalunok nang micropono sa lakas nang boses niya. Lahat yun ay gustong-gusto ko. Gusto ko siyang makasama habang buhay. Siya ang instrumentong ipinadala sa akin nang Panginoon upang ma-appreciate ko ang silbi nang buhay ko. Mahal na mahal ko siya.

HE IS MY SHE  (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora