Chapter 48: Sapat na ang nakinig ka.

4.4K 91 4
                                    

Chapter 48: Sapat na ang nakinig ka.

Kasalukuyan:

[Katherine's POV]

I don't know but my heart melts when I heard about Zenji's past. It was literally depressing. A relationship without closure and a feeling that is still hanging.

Matagal niyang pinangarap, hinintay at pinangalagaan si Shina. Madami na rin siyang tiniis na hapdi, hirap at kirot sa puso niya tapos magiging ganito lang yung ending nila? Nakakalungkot lang talaga.

Ibinaling ko ang tingin ko kay Zenji. Nakaupo lang siya sa may maliit na upuan sa tabi ko habang nakayuko at sapu-sapo niya ang kanyang ulo. I don't even know if he is crying or what.

Napabuntong hininga lang ako then I pat his head. Agad naman siyang tumingala at tinampal yung kamay kong gumugulo sa buhok niya.

Nagulat naman ako sa naging reaksyon niya. Parang nagalit ata siya sa ginawa ko?

"P-pasensya na Katherine."  Biglaang sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko at lumingon muli kay Zenji. He is now standing in front of me. Nakangiti na siya pero matipid na ngiti lang.

"Naaawa ka ba sa akin?" Sunod na sinabi niya.

Tumangu-tango lamang ako bilang sagot  sa tanong niya.

" Huwag ka ng maawa sanay na ako and I'm slowly giving up. " He continued.

 

"Ehhh? Pero bakit naman Zenji? Malay mo hinahanap ka rin pala niya at hinihintay? M-malay mo pareho lang pala kayo ng pinagdadaanan ngayon?!"  I shouted.

"Malay mo hindi pala ganun?" Matipid niyang sagot.

"Ano ka ba naman Zenji? Kung talagang mahal mo siya hihintayin mo pa siya! Alam ko matagal mo na siyang hinihintay pero huwag ka naman sanang mawalan ng pag-asa!"

 

Nginitian niya lang ako. Nainis ako sa response niya kaya sinipa ko siya sa may kanang tuhod niya.

"Araaaaay! Bakit ba Katherine?!" Lukot mukhang sigaw niya habang hawak-hawak ang kanang tuhod na sinipa ko.

"Huwag kang susuko Zenji habang siya pa ang nilalaman ng puso mo, hangga't siya pa ang iniisip mo dahil ang ibig sabihin lang nun ay siya pa din ang mahal mo. You can just start your life when you moved on already dahil mas masasaktan ka lang sa gagawin mo!"  Mariin kong sabi sa kanya.

 

"Nice try Katherine Harris. " Matipid nanaman niyang sagot.

Eeeeeer! WTF! Ako na nga tong nag e-effort na pasiglahin siya tapos ganyan pa i-aarte niya! Atsaka anong ibig sabihin niya dun sa nice try? Naku! He's pissing me off! What the hell !!

"Pasensya na ha! Pasensya na kung wala akong kuwentang magbigay ng payo!"  Sarcastic kong sabi sa kanya.

"Okay lang yun." He aswered.

Grabe! Nakakainis naman tong si Zenji oh! Naiirita na ko sa mga inaarte niya! Naku!!!

"Alam mo Katherine hindi ko naman kailangan ng payo mo eh."

"What ?!"  inis na sabi ko sa kanya habang naka closed arms ako. Naghahamon na ba to ng away?

"Ang sabi ko HINDI KO KAILANGAN NG PAYO MO."  He repeated.

Tapos nun ay naglakad siya papalapit sa akin and pats my head just like what I did to him earlier.  Tinitigan niya ako sa aking mga mata at dahilan yun para mapatingin din ako sa kanya.

"kasi sapat na sa akin yung nakinig ka at pinakita mong may paki-elam ka. Malaki na ang naitulong nun para mapagaan ang loob ko. Salamat Katherine."

 He smiled at me at napatulala naman ako sa liwanag ng ngiti niya.

Agad siyang naglakad papalayo at umupo sa kulay berdeng sofa. Binuksan niya ang malaking laptop at dahan-dahan tumingin sa akin.

Napalunok laway ako dahil hindi ko mapaliwanag yung naramdaman ko ng ako't tignan niya. To be honest bigla na lang siyang naging cute sa paningin ko ngayon at di ko maintindihan kung kilig ba yung naramdaman ko.

Uwah! Katherine ang flirt mo naman! May Shino ka tandaan mo! Argh!

"Halika na dito't gagawa pa tayo ng baby."

Bigla akong bumalik sa ulirat ng marinig ko ang sinabi niya. A-ano daw yung sinabi niya? Baby?!

"A-ano? Anong baby ka diyan!"

Tumawa siya ng mahina at muling ibinaling ang tingin sa akin.

"Ang seryoso mo naman nagbibiro lang. What I mean is baby thesis."

"Tss! Not a good joke Mr. Torres." Pagtataray na sagot ko.

"Fine, sorry Miss Harris."   He gave me a big smile pero  this time  ay natanaw ko ang naglalaliman niyang mga dimples. He's cute!

Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya. Dun na namin sinimulan ang paggawa ng baby.......................................................thesis.  (^_^)

A/N: Guys, sorry ngayon lang nakapag-UD muli.. Bilang ganti ay may UD akong dalawang chapters para sa inyo. Nawa'y inyong magustuhan. :))

HE IS MY SHE  (COMPLETED)Where stories live. Discover now