Chapter 52: Alam na niya

4.3K 85 12
                                    

Chapter 52:  Alam na niya

[Raijen's POV]

"Shino itigil na natin to! Hindi ito ang tama! A-ayoko ng makipagkita sayo!" 

Diretsong pagkakasabi ko sa kanya sabay  talikod at naglakad na rin ako ng papalayo  upang maka-alis na sa lugar na iyon.

Inaamin ko na napakagulo talaga ng utak ko. Nung una ay nag e-emote ako ng sobra ng malamang girlfriend na niya si Katherine pero ngayong nararamdaman kong espesyal na ako para sa kanya ay nakakaramdam naman ako ng kunsensya.

"Pero gusto mo ko Raijen! Sinabi mo yun sa akin!" Biglang napahinto ako sa aking paglalakad ng isigaw niya iyon.

"K-kalimutan mo na yun Shino!" Pasigaw kong sabi sa kanya, matapos nun ay nagpatuloy na ako sa paglalakad.

***

KINABUKASAN:

[Heidi's POV]

Tahimik akong naka-upo sa may swing at pinagmamasdan ang mga litratong nakuha ko kagabi sa may basketball court.

Una ay ang litrato nilang nag-uusap, sumunod ay ang litrato kung saan nakatalikod si Raijen at yakap siya ni Shino, sumunod naman ay humarap na si Raijen at magkayakap pa din silang dalawa, sunod ay ang litrato kung saan mukhang maghahalikan silang dalawa.

"Haiz, I wonder kung ipagkakalat ko ba ang isang ito. Tiyak na malaking gulo ang gagawin ko if ever." Nasapo ko lang ang aking ulo kasi naguguluhan ako kung isasagawa ko ba ang evil plans ko.


"Kung sakaling gagawin ko yun,  nakatitiyak akong pati sila Katherine at Shino ay maapektuhan. Pero isa lang naman din kasi ang goal ko eh.  Ang mapatalsik ang tomboy na sulutera at malandi sa paaralang ito."

"Heidi!"

"Ay kabayo!!!" Sa gulat ko ay naihagis ko ang DSLR sa may damuhan at nagpagulong-gulong pa ito.

"Oi yung camera ko! Hindi ba sabi mo iingatan mo?!" Pagrereklamo nung boses na nanggulat sa akin na hindi ko pa man din nililingon ay nakatitiyak na akong si Eugene.

"Ikaw tong nanggulat sa akin Eugene eh!" Pagrereklamo ko.

"Nasobrahan ka ba sa kape at pati simpleng pagtawag ko sa pangalan mo ikinagugulat mo?" Walang kuwentang tanong niya.

"WHATEVER!!! I DON'T GIVE A F*CK TO EXPLAIN EVERYTHING TO A USELESS PIECE OF SHIT LIKE YOU!!!"

"INAANO BA KITANG HEIDI KA AT GANYAN KA MAGSALITA!?" Mukhang pumuputok na ang mga ugat sa noo ni Eugene matapos kong magbitiw sa kanya ng di kanais-nais na salita.

"F*CK OFF!!! GINUGULAT MO KASI AKO SA MGA ORAS NA NINENERBYOS AKO!!" Pagpapaliwanag ko. Inaamin ko medyo natakot ako sa kanya kanina.

"Eh ano ba kasing problema mo? Ikaw na nga tong nanghihiram at nagpabaya ng camera tapos ikaw pa tong  mura ng mura diyan?!" Inis na sabi ni Eugene.

"Whatever! I'll get it for you master!!!!" Iritang sabi ko sa kanya sabay talikod  upang kunin ang nalaglag na camera.

Sh... shet!!

Halos manigas ako sa isang kinatatayuan ko ng dahil sa nasaksihan ko.

Nakita ko kasi si Katherine at Irma na nakatayo sa may di kalayuan kung saan eksaktong tumigil sa pag gulong yung DSLR ni Eugene at this time ay nasa kamay na ni Katherine ang camera at nakatingin sa screen nito. Sigurado ako! Sigurado akong nakita niya yung mga pictures!!

HE IS MY SHE  (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora