Chapter 66: Broken Hearts

3.6K 64 7
                                    

Chapter 66: Broken Hearts

Zenji's POV

" Sorry Katherine ah, sorry talaga." Sincere na sabi ko habang hinahalo niya yung kape na tinimpla sa kanya ni Manang Bebang.

Nga pala, kasalukuyan kaming nasa gotohan ni Manang Bebang sa may di kalayuan. No. Hindi ko close yung manang Bebang. Nakita ko lang yung pangalan niya sa malaking karatula dito sa gotohan na ito at nalaman namin ni Katherine n siya pala ang mamay-ari.

Okay na kami ni Katherine. I explained everything at todo sorry pa ako sa kanya. Hindi niya agad ko pinatawad at naiintindihan ko naman kung bakit. Para makabawi ay napagdesisyunan kong bilhan siya nang damit sa malapit na tiangge at ilibre siya nang kape at goto para sa almusal. Kasalukuyan niyang suot yung black shirt na may nakasulat na "NEVER GIVE UP" at white short shorts na nabili ko. Hindi naman siya nag-inarte sa halip ay napapangiti pa nga. Mukhang okay din naman siya dito sa gotohan. Malinis naman kasi ang facilities at maaayos din ang hitsura ng mga customers.

"Nakakahiya talaga yung kagabi. Naiinis talaga ko sa sarili ko." Sabi ko habang hinaharang ko ang aking kaliwang palad sa aking mukha.

" Mag move on ka na nga Zenji." Sabay higop niya sa tasa ng 3 in 1 coffee.

"Katherine, okay lang ba sayo na dito tayo kumain?"

Tumango muna siya bago sumagot.

"Oo naman, actually masarap yung goto nila dito at first time ko din makatikim ng 3 in 1 coffee. Such a great experience." Nakangiting sabi niya.

Ngumiti din ako at sumubo nang goto.

"Anyway, ano ba kasing nangyari sa inyo nung Shina? Bakit ka naglasing ng ganun?" Biglang natanong ni Katherine.

Napahinga lang ako ng malalim. Nganganga pa lang ako para magsalita pero inunahan na niya ko.

"Ow, sorry. Baka ayaw mong pag-usapan." Sabay subo din niya sa kutsarang may goto.

"No it's fine." Nakangiting sabi ko.

Tumitig siya sa mga mata ko. Ipinapahiwatig nito na handa na siyang makinig.

" Ganito kasi yan Katherine."

Flashback:

" Ahm, excuse me. Alam mo ba kung saan ang room ni Shino Thompson?" Agad kong nilingon yung babaeng nagtatanong para sabihin sa kanya na kaklase ko si Shino pero halos malaglag ang panga ko nang aking mapagtanto na si Shina ang babaeng iyon. Hindi ako puwedeng magkamali, kahit pa iba na ang ayos nang buhok niya at parang may konti siyang pinagawa sa bandang pisngi niya ay nakasisigurado pa din ako na si Shina yun. Sigurado akong siya yun ko dahil maging siya ay nagulat at namutla nang lumingon ako.

"Sh-shina?" Nanginginig na tanong ko. Ngumiti siya pero halatang kinakabahan din siya nung mga oras na yun. Inisip ko na kinakabahan lang siya dahil gaya ko'y nagulat din siya sa muli nming pagkikita kaya naman agad ko siyang niyakap. Sobrang saya ko! Ang tagal ko siyang hinintay! Ilang taon din yun nang pangungulila at pagtitiis. Sa wakas! nasa harapan ko na siya ngayon!

Pero laking gulat ko nang magpumiglas siya.

"Aw! Sino ba 'to?! LET ME GO! " Sigaw pa niya. Pinagtinginan kami nang mga dumadang estudyante. Nang magkalas ang aking mga kamay sa pagkakayakap sa kanya ay hinarap ko siya.

"Shina ako to si Zenji, Zenji Torres! Shina hindi mo alam kung gaano ako kasaya kasi.."

PAK!

HE IS MY SHE  (COMPLETED)Where stories live. Discover now