Chapter 34 : Kiss Ko Na Ba?

5.7K 113 26
                                    

Chapter 34 : Kiss Ko Na Ba?

Linggo nang hapon, nagmamadali akong pumunta sa may tapat nang clock tower kung saan namin napagdesisyunan mag meet ni Honey babes.

Opo, pumayag akong makipag date sa kanya. Mapilit kasi siya atsaka excited din akong makita siya sa personal kahit na wala siyang ka alam-alam na babae pala ang katatagpuin niya, pero siyempre sikreto ko lang yun. Magpapanggap ulit akong lalaki tutal epektibo naman ang panlilinlang kong iyon sa mga tao.

Nagsuot ako nang maong na polo pang-itaas at hapit na black pants pang ibaba para mag mukhang presentable ako kahit na tinaas-taas ko yung buhok ko. Tinignan ko kanina yung hitsura ko sa salamin at walang duda na ang pogi-pogi ko talaga! Ow well, epekto yan nang pagiging broken hearted ko. Hahaha! Heto ako at lalaking-lalaki nang muli, may gelpren pa!

Hinanap ko agad kung nasaan si Honey babes pero mukhang wala pa siya. Psh! Mga babae nga naman, masyadong pa special. Ang aga-aga ko pa namang umalis para bilhin itong isang kahon nang chocolates. Sinadya kong chocolates ang ibigay dahil magiging sagabal sa aming pamamasyal kung bouquet of flowers  o isang malaking stuff toy ang ibibigay ko.

"Rai! Ikaw ba yan Rai?"

May maarteng boses akong naririnig na tumatawag sa pangalan ko, posibleng siya na nga yun. Agad akong lumingon para masulyapan kung sino ba ang babaeng tumatawag sa akin at napa-wow naman ako sa hitsura nang babaeng nasa likuran ko.

"H-honey?" Nagtatatlong isip kong tanong sa kanya.

Hawig niya yung Honey sa picture pero hindi naman pala siya hipon na tapon ulo kain katawan, isa siyang tempura dahil nagsilbing breadings yung makapal na make-up niya sa mukha. Hindi siya ganun kagandahan pero masasabi kong ang lakas nang dating niya. Ang ganda nang hubog nang katawan niya lalo na at nakasuot siya ngayon nang black and fitted dress na hanggang hita lang ang haba at leopard print deadly stilletos. May copper brown long over sided hair siya na hanggang bewang ang haba at kulot-kulot ito sa bandang dulo. Super red ang may kalakihan niyang lips pero bumagay naman sa fierce look niya. Okay siya!

"Yes! So you're Rai pogi? Ang boyfii ko. Ang cute mo pala in person para kang totoy." Sabay akbay niya sa akin.

Inaamin ko na medyo kinabahan ako sa ikinilos nang babaeng ito, parang ang flirt niyang masyado eh.

"Para sayo." iniabot ko ang box of chocolates na dala ko para sa kanya.

Agad itong kinuha nang pumipilantik niyang mga kamay at tinignan-tignan ito. Muli niyang ibinaling ang mga tingin sa akin at ngumiti nang malapad.

"Thank you boyfriend!"  Pasigaw niyang sabi sabay kiss sa pisngi ko.

Yuck! Pero wala akong nagawa kung hindi ang ngitian lang din siya. Lalaki ako eh! Kaya dapat lang na matuwa ako sa halik nang isang hot na babae.

[Shino's POV]

Haaay naku nakakabadtrip para akong tanga dito. Nasa labas ako nang coffee shop habang pasulyap-sulyap at nagmamasid sa date ni Raijen. Nakita ko kasi yung wall to wall nila ni Honey niya sa news feed ko at talaga namang kinabahan ako sa mga nakita ko. I ended up adding that girl as my friend dahil sa curiosity, agad naman niya akong inaccept at nilandi-landi pa sa chat. I just ignored her but she's too determined to catch my attention ang kaso lang ay nabigo pa din siya sa akin.

HE IS MY SHE  (COMPLETED)Where stories live. Discover now