Chapter 64: Holding Hands

3.8K 65 9
                                    

Chapter 64: Holding Hands

Raijen's POV

Matapos ang aming  korning eksena ni Shino sa park ay napagdesisyunan naming pumasok pa din sa una naming klase kahit five minutes late na kami. It's better to be late than never ika nga nila.

Medyo awkward ang pakiramdam sa unang minuto na kasama ko ang BOYFRIEND ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat sabihin sa kanya. Kung paano ko ba siya pakikitunguhan. Ilang taon na rin kasi akong single at medyo inaamag na ang knowledge ko kung paano ba ang tamang pag-arte sa tuwing may kasamang boyfriend. Okay lang kaya na ganito at sabay lang kaming naglalakad o required ba talaga na mag-holding hands kami? Ewan ko!

" Anong nasa-isip mo?" Pagbabasag katahimikan ni Shino.

"Uhm, malalim." Matipid na sagot ko.

" Mukha nga, sabihin mo. Nagsisisi ka bang sinagot mo 'ko? Nabigla ka lang no?"  He pouted his lips.

Tiningala ko siya, actually sa tuwing kakausapin ko siya lagi naman akong naka-tingala. Ang tangkad kasi niya eh.

" Hindi noh! " Inialis ko ang tingin sa kanya at binaling ito sa aming dinadaanan.

"Nire-recall ko lang kung paano nga ba maging isang perfect girlfriend sa boyfriend niya. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ba ako aarte ngayon sa harapan mo." Honest na sabi ko sa kanya.

Napangisi siya at pumuwesto sa harapan ko. Tiningala ko nanaman siya.

"Just be normal, hindi ka artista para umarte Raijen Fernandez."

Napakunot noo ako. "Huh?" parang ewan na tanong ko kay Shino.

" Ang sabi ko hindi mo naman kailangang umarte para maging perfect girlfriend, just be yourself. Dahil  ang pagpapakatotoo sa sarili ang pinaka perpekto sa lahat." 

Napangiti ako sa sinabi niya at hindi ko ipinagkaka-ilang napakilig din ako nito. 

" Ahm, Raijen since girlfriend na kita. P-p..." Nanginginig na tanong ni Shino.

 

Shino's POV

" Ahm, Raijen since girlfriend na kita. P-p..." puwede ko bang mahawakan ang kamay mo? Argh! Nanginginig ako. Bakit hindi ko kayang sabihin yun?

"Ano yun Shino?"

"A-ano kasi eh.." Sasabihin ko ba oh ano? Ang magtapat  sa kanya kinaya ko pero ang mag-alok na hawakan ang kamay niya hindi ko kaya? Naku namaaaan. "W-wala!" Pasigaw na sabi ko. Hindi ako naiinis kay Raijen, naiinis ako sa sarili ko. Simula nitong nakaraan ay nakakaramdam ako ng kaba sa tuwing makikita ko siya at dahilan yun para kabahan ako ng sobra sa tuwing kaharap ko na siya. Para bang natatakot ako sa rejection?

HE IS MY SHE  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon