Chapter 25: First Kiss

6.5K 132 20
                                    

Chapter 25: First Kiss

Tuluyan ng lumubog ang araw at napagdesisyunan naming magkakaklase ang bumalik sa kanya-kanya naming mga kuwarto para makapag pahinga. Napag-alaman kong room 405 ang kuwarto ko kaya naman agad ko yung pinuntahan para makapagpalit nang damit.

Laking gulat ko pagpasok ko sa loob at nakita kong may babaeng nagsusuklay sa tapat ng salamin. Isang babaeng nakasuot ng puting damit at may mahabang buhok.

S-sino kaya siya? Si Sadako ba ito? Impernes ah ang sexy ni Sadako at ang kinis pa pero teka, napapansin kong unti-unti siyang humaharap. Hindi ko masyadong maaninag yung mukha niya dahil natatakpan ito ng mga buhok niya.

Humaharap na siya

Humaharap na siya

“UWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!” Sigaw ko.

“AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH” Sigaw niya.

Napasigaw ako sa biglaan niyang pagharap at ganun din siya sa akin, teka sino ba to? Inaninag ko pang mabuti ang mukha niya dahil hinaw-hawi niya yung mga buhok na nakatakip dito para makita niya rin siguro ako ng mas malinaw.

“Raijen!”

“K-katherine?!”

Parehas kaming nagulat ng makilala  namin ang isa’t-isa. Teka, bakit nasa kuwarto ko si Katherine? Huwag mong sabihing…..

“Ikaw ang room mate ko?!”

Tuwang-tuwang sabi niya sa akin..

“O-oo?” 

Nahihiyang sagot ko habang napapakamot ako sa may ulo ko.

Wow naman! Napaka suwerte ko at si Katherine ang room mate ko! Sabay kaming matutulog at medyo magkadikit pa ang mga kama naming dalawa. Siya at ako lang ang magkakasama sa kuwartong ito buong gabi! Ang saya nuuuun!

 

“Raijen!” 

“P-po?”  

Bumalik na ako sa ulirat pagkatawag niya sa pangalan ko.

“Yung jacket na suot mo… Kay Shino ba yan?”

Napatingin ako sa jacket na suot ko at medyo nakaramdam ako ng kaba dahil kay Shino talaga yun at kaharap ko pa ngayon si Katherine.

Hala anong sasabihin ko? Wala naman kaming ginawang masama ni Shino kaya wala akong dapat ika-guilty.

“Ah, oo kay Shino nga ito.  Si Paul John kasi kanina ninakaw yung mga damit ko eh kaya ipinasuot muna sa akin ni Shino saglit itong jacket niya.”

HE IS MY SHE  (COMPLETED)Where stories live. Discover now