Chapter 24: The Pervert

7.1K 138 14
                                    

Chapter 24: The Pervert 

Lumuhod siya sa may ibabaw ng kama at nasa pagitan ng mga tuhod niya ang mga hita ko. Naaaninag ko ang mukha niya sa ibabaw ko. Ang talim at mapang-akit ang mga titig niya sa akin.

Hinubad niya ang jacket niya kaya naman nakikita ko ng malapitan ang sobrang ganda niyang katawan! Ay!  Takot ako ngayon . Bawal manyak Raijen at baka madala ka ng mga pangyayari.

Sisigaw na sana ako ng biglang..

Sinuotan niya ako ng jacket at Zinipper ito ng sagad hanggang sa may leeg ko. Napatitig ako sa kanya at nakita kong nakangiti na siya. Tinulak niya ang noo ko at dahilan yun para mapahiga ako sa may kama.

Nakapaibabaw pa din siya sa akin at hinawakan ang mga pisngi ko para pahiran ang mga luhang tumulo dito. Wait, umiiyak ako? Hala kelan pa? Hindi ko napansin na may mga luha na palang tumutulo mula sa mga mata ko. Hindi! Nakitaan nanaman niya ako ng kahinaan.

"Bakit ka umiiyak? Wala naman akong masamang gagawin sayo eh. Dinala kita dito sa kuwarto ko para hindi ka nila pagpyestahan dun sa labas. Ikaw kasi eh! Hindi mo na dapat ginawa yung dare sa stupid game na yun, ayokong nababastos ka ng kahit sino."

Hindi ako makasagot. Naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa sa loob ng ilang minuto.

"Tungkol dun sa mga nasabi ko kanina.... Sorry Raijen. Hindi ko kasi alam na dadamdamin mo pala yun. Hindi ko naman gustong mapasama ang loob mo eh. Sorry na!"

Tahimik lang ako at patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko. Hindi ko alam pero mas lalo akong naiyak ng magsimula siyang magsalita. Hindi pala siya aware na nanakaw ang mga damit ko kaya ako umiiyak ngayon pero siyempre isa din sa dahilan ng pag-iyak ko yung kaba ko kanina, akala ko kasi kung anong gagawin niya sa akin eh.

"Tahan na huwag ka nang umiyak,Sorry na please..."

Tumango-tango ako as a sign of "Oo okay na ako."

Umalis siya sa ibabaw ko at humiga sa tabi ko. Nilingon niya ako at mas lalo pang dumami yung mga luha sa mata ko habang nagsasalita siya. SHET! Ano ba ito?!

"May problema ba? Hindi ka kasi mapakali sa pagkalikot ng bag mo kanina eh."

Hindi ko siya tinitignan at tinakpan ko ng mga palad ko ang  aking mukha. Nakakahiya kasi ang panget-panget  ko pag umiiyak. Namumula ako ng bongga at nangangamatis ang ilong at bibig ko.

"Y-yung damit k-kooooo, k-kinuhaaa n~ung kaklase natiiiing ano... W-wala na a-akong susuotin~~~ T~~tapooos, Hiiih! Hina~wakan p-pa niya y~yung dibdib ko~~~~"

I stuttered, dahil na rin siguro sa naiyak na akong tuluyan. Hoy! Hindi ako inarte noh! Sobrang nahihiya lang kasi talaga ako at ang sama pa ng loob ko.

Napabangon naman si Shino sa sinabi ko.

"Ano! Si Paul John ba yung tinutukoy mo?! Yung matangkad nakakaumay 'yong mukha? Damn! I'll kill that jerk!!!"

Matatawa sana ako sa description niya kaso lang hindi puwede kasi umiiyak ako. Ekasakto yung description niya, sana sinabi na lang niya na mukhang bangkay yung kaklase namin.

"O-oo, sh~siya yun!"

"ASAR! Mamaya ha-huntingin ko yun! Pahihiramin ko siya ng mukha sa aso!"

"Mamaya pa?" Inalis ko yung dalawang palad na tumatakip sa mukha ko. "Bakit hindi pa ngayon?" *Hikbi*

Nilingon niya ako at tumitig siya sa akin.

HE IS MY SHE  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon