Chapter 65: Night of Kunsumisyon

3.6K 59 13
                                    

Chapter 65:  Night of Kunsumisyon

Katherine's POV

Kasalukuyan akong nasa banyo nang isang hotel at hinihilamusang maigi ang aking mukha. Buti na lang at kikay ako at never kong nalimutang magdala ng kikay kit. Nasa loob nun ang make up, cologne, tissue, tooth brush,tooth paste, mouth wash at ang facial wash na sumalba sa akin ngayon. 

" Argh! Kadiri talaga! " Pangigigil ko. Grabe lang! Traumatic experience! 

Binuksan ko ang shower at dinama ang mga tubig na tumutulo sa mukha ko. Kinukuskos kong maigi ng sabon ang aking katawan. How I wish na maalis lahat ng bacteria.

"Huh!" Nagulat ako at nanlaki ang aking mga mata nang makarinig ako ng bukas ng pinto mula sa banyo. "Hindi ko ba nai-lock?" Tanong ko sa aking sarili. Kahit pa kinakabahan ay naglakad pa rin ako papalabas ng shower room pero bago ko pa man mahawi ng tuluyan ang shower curtain ay nahawi na ito ni Zenji.

Nagulat ako at nanlaki ang mata, hindi ko nanaman alam ang dapat kong i-react ang tanging alam ko lang ay na-shock ako.  Bangag pa rin si Zenji at tinitigan ako nito sa mga mata. Nanlilisik at namumula ang mga mata niya. Baka naman nag-adik na rin to kaya namumula ang mata at ibang tao ang tingin sa akin ah? 

"B-bakit may lalaki sa b-banyo ko?"  Tonong lasing na tanong ni Zenji.

" Banyo mo? Hello hotel to atsaka anong lalaki?" Pambabara ko, nalimutan ko ng wala pala akong suot na damit. 

" Lalaki ka pre! Kitang-kita naman sa dibdib mong flat!"  

"Anong sabi mo?! Flat ka  diyan? FOR YOUR INFORMATION size 32 yan!" Sabay sipa ko sa kanya papalabas ng banyo mismo. Damn it! Nabastos na ko nainsulto pa ko? What a life?

" Humanda ka sa akin pagkatapos ko dito, papalalain ko yang kalasingan mo you stupid pervert!" 

Kinalimutan ko na ang lahat at bumalik sa pag sha-shower. Ang sama sama sama nang loob ko!

Napaisip ako, paano nga ba kami napunta sa ganitong sitwasyon.

Una, tinulungan ko siya tapos sinukahan niya ako habang naghihintay kami ng taxi. Tapos....

Nagtatakbo ako papasok sa pinakamalapit na hotel dito sa may Timog Avenue.  Hindi ko alam kung sinong wrestler ba ang sumapi sa akin pero nagawa kong pasanin ang mabigat na nilalang na 'to sa likuran ko. Si Zenji ang tinutukoy ko. Nakasabit sa braso ko yung bag ko habang bitbit-bitbit ko naman ang dalawa kong stilleto sa kaliwang kamay ko. Napunasan ko naman na nang aking mamahaling panyo ang mga suka niya na humilamos sa akin. Infairness, more effective than alcohol. Natauhan ako. PROMISE!

Pumunta kami sa information area ng hotel. Halatang nagulat sa amin yung staff na nandoon.

"Naku juice colored! mga bangkay na bumangon sa hukay!" Sigaw niya, OA ah.

"Gusto mo bang mawalang ng trabaho?!" My darker side shouted.

HE IS MY SHE  (COMPLETED)Where stories live. Discover now