Chapter 58 : The Sound of The Rain

4.5K 76 6
                                    

Chapter 58 : The Sound of The Rain

[Shino's POV]

Malakas ang buhos ng ulan nung gabing iyon at kasabay ng bawat patak nito ay ang patak ng mga luha na tumutulo mula sa aking mga mata.

Wala akong ibang ginawa kung hindi ang tumakbo ng tumakbo, ni hindi ko nga alam kung saan ba ako patungo o kung may patutunguhan ba ang aking pagtakbo sa gitna ng kadiliman. Ang tanging alam ko lang ay gusto kong kumawala sa mga taong nananakit sa akin.

Nararamdaman ko pa din ang palad ng aking ina na rumatay sa aking mukha kanina lang. Ang bawat sampal, palo at sabunot niya ay nadadama ko pa din.

Bakit ganun? Ano ba ang nagawa ko?! Bakit ba niya ako pinagmamalupitan ng ganito!? Hindi ba’t siya ang aking ina? Hindi ba’t siya dapat ang nag-aaruga at nagtatanggol sa akin?!

PAK!

Hindi ko namalayang sumubsob na pala  ako sa basang semento dahil sa bilis ng aking pagtakbo.

Umiyak na lamang ako ng umiyak habang nakangud-ngod ang aking mukha sa  semento.

“B-bakit?” Gigil at nanginginig na tanong ko sa aking sarili.

“Shino, Shino!” Malakas na pagtawag ng isang lalaki sa pangalan ko.

“Hangal ka talaga Shino! Wala ka na bang balak na tumayo diyan? Idadaan mo na lang ba sa iyak at hagulgol ang lahat?”

 

Tumingala ako upang tignan at kilalanin ang pamilyar na boses na tumatawag sa akin. Isa itong matangkad na binata, natatakpan ng itim na anino ang kanyang mukha kaya naman hindi ko pa rin ito lubusang makilala.

“S-sino ka ba?!” Pasigaw kong tanong sa kanya habang patuloy pa din ang pagtulo ng mga luha sa aking mga mata.

“Ako ay ikaw.” Matipid na sagot ng lalaking nakatayo sa aking harapan.

“A-ano po? Ano pong ibig ninyong sabihin?” Aking pagtatanong sapagkat hindi ko lubusang maunawaan kung ano ba ang gusto niyang ipahiwatig.

“Hangal ka talaga.” Muling matipid na sabi ng misteryosong lalaki  habang dahan-dahan siyang lumuluhod sa aking harapan. Ang kanyang pagluhod ay naging dahilan upang maalis ang mga itim na anino na tumatabing sa kanyang mukha. Gulat-na gulat ako ng Makita ko ang sarili kong mukha sa taong nakaluhod sa aking harapan, mas matanda lang sa akin ito ng labing-tatlong taon sa tingin ko.

HE IS MY SHE  (COMPLETED)Where stories live. Discover now