Chapter 1: When I met her

18.8K 345 123
                                    

Chapter 1: When Tomboy Meets The Classy Princess

Third year college na dapat ako sa darating na pasukan pero pansamantala muna akong pinahihinto nang aking mga magulang sa pag-aaral sa darating na semester.

Fourth year college na daw kasi ang kuya ko at mas malaki na ang tuition fee niya ngayon kumpara sa dati. Mas malaki na rin ang allowance niya para sa iba pang mga gastusin sa school.

Anong karapatan kong mag reklamo?

Simpleng construction worker kasi si tatay sa ibang bansa at house wife naman si nanay kaya naiintindihan kong mahihirapan silang mag-provide ng pera para sa tuition fee ko.

Hindi naman kami sobrang hirap, nakakakain pa rin kami ng maayos tatlong beses sa isang araw. May sarili rin kaming bahay, bungalow style ito, maliit lang ito pero may costumized second floor na gawa ni tatay. Afford din naman namin ang magkaroon nang sari-sariling cellphone pero siyempre yung mumurahin lang ang mayroon kami.

Nga po pala, inuna ko pa ang mag-reklamo kesa magpakilala sa inyo.

Ako nga po pala si Raijen Fernandez, 18 years old. Paano ko ilalarawan ang sarili ko sa isang salita? POGI. Magalit na ang gustong magalit pero wala kayong magagawa. Pogi talaga ako kahit pagbali-baliktarin niyo man ang mundo.

Isang gabi, habang naglalakad ako papunta sa tindahan para bumili nang toyo na ipinabibili ni nanay ay may nakita akong babae sa may di kalayuan.

Angat na angat ang babaeng yun dahil sa mala barbie doll nitong katawan. Mukha siyang mayaman.

Ang kinis at mala porselana sa puti ang kutis niya.

Nakasuot siya ng spaghetti straps na pang itaas at paldang hanggang tuhod lang ang haba.

Gusto ko sanang lapitan at kaibiganin dahil minsan lang may masaltang ganitong babae sa lugar namin pero wala akong lakas ng loob na iyon ay gawin.

Bumalik ako sa aking ulirat nang mapansin kong may lalaking sumusunod sa kanya, matanda na ito at mukhang hindi gagawa ng matino kaya naman nagsimula na akong mag-alala para dun sa babae.

"Mukhang malungkot tayo mish ah, gushto mo bang lumigaya?" Narinig kong tanong sakanya nang lalaking lasing habang lumalagok sa bitbit niyang isang bote ng alak.

"P-po? N-naku, H-hindi po." Nanginginig na sagot nung babae.

"Huwag ke neng mahiya, Shumama ka sha akin at ipapakilala kita sa mga tropa ko hiks!" Sabay higit ng lasing sa braso ni ate.

Aba't! Gagu yun ah!

"Ayoko po, bitiwan nyo po ako please!" Maluluhang pagmamakaawa nung babae sa lasing na lalaki.

Hindi ko na matiis ang ganung sitwasyon kaya lumapit ako sa kanila at hinila yung babae papalayo sa lasing na lalaki.

"T-teka sino ka? " Natatakot na tanong ni ate ganda.

"Huwag kang mag-alala miss, ligtas ka sa piling ko." Pagmama-angas kong sagot.

"Aba totoy, nagkakamali ka ata ng binabangga mo haaaa!" Pagewang-gewang pa ito habang dinuduro ako.

Mabilis akong lumapit dun sa lasing at tinigan ito nang matalim gamit ang aking killer eyes. Iniiwas nung pangit na lasing ang tingin sa akin kaya naman agad ko siyang pinitik ng malakas sa ilong. Agad namang napa-urong yung lasing.

Bago pa man siya makaganti eh hinila ko na si ate ganda papalayo sa lugar na iyon. Tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa makalayo kami sa lugar kung saan nandoon yung pangit na lasing.

Napadpad kami sa palaruan ng mga bata, wala naman masyadong mga tao doon. Wala kaming ibang naririnig kung hindi ang ingay ng mga insekto at pagaspas ng hangin.

"Miss, bakit ka ba gumagala eh gabing-gabi na? Tapos tignan mo pa yang suot mo oh!" Inis na paninita ko sa kanya.

"Anong problema mo sa suot ko?" Pataray na tanong niya sa akin.

"Konti na lang makikita na kaluluwa mo, pansinin yan masyado lalo na sa mga manyakis na tulad nung lalaki kanina" Prangkang sagot ko.

"Hah? Panong pansinin? Normal lang naman to ah!" Taas kilay na sagot niya sa akin habang pinagmamasdan niya ang kanyang suot na damit.

"First time mo sa lugar na to ano?" I smirked at her while she's staring at me para naman kiligin siya kahit papaano sa kagwapuhang taglay ko. Meron ba? Hehe.

"Yup! " tumango-tango siya bilang sagot sa tanong ko. Tsk! Hindi siya kinilig! Hindi niya napansin ang kapogian ko!

"Kaya pala, madami kasing mga bastos dito lalo na pag ganyan ang suot"

Tumingin sa akin yung babae at takte! Halos mapapamura ka sa sobrang ganda ng babaeng ito! Kung nakikita niyo lang din sana siya.

Naramdaman kong nag-iiinit ang dalawa kong pisngi kaya agad kong ini-alis ang pagkakatingin ko sa kanya. Tae! Ito na ba yung tinatawag nilang kilig?

"Naghahanap kasi ako ng pwedeng tumulong sa akin. Tumirik kasi yung car namin ng butler ko eh, hindi naman sya marunong magmekaniko ng sasakyan." Pagrereklamo ni ate ganda.

"B-butler?! " Pagtatakang tanong ko. Di ko inaasahang may nag e-exist pa lang butler sa bansang ito.

"Yup! Teka, Bakit mo nga pala ko niligtas dun sa bad guy kanina? You want something? Pera ba?" She added while she's staring at me. Medyo mataray ang expression ng kanyang mukha.

"Hoy grabe ka naman mag-isip! Ayoko lang talaga makakita ng mga ganung eksena. Yun lang!" Pagpapaliwanag ko.

"I see. Sorry" Sabay smile niya sa akin.

"Nga pala, nasaan yung sasakyan mo? May konting alam ako sa pagmemekaniko eh." Pagmamayabang ko.

"Talaga!? Malapit siya sa may high way eh, dun sa tabi ng convenience store."

Kahit mukhang may pagka maldita si ate eh pinagkatiwalaan pa din niya ako. Tinuro niya sa akin yung direksyon kung nasaan yung kotse nila.

HE IS MY SHE  (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt