Chapter 21: Grand Wintermelon Island (PART TWO)

5.2K 122 6
                                    

Chapter 21: Grand Wintermelon Island (PART TWO)

Nakarating ako sa pampang ng dagat.

Umupo ako sa buhanginan at dinama ng paa ko ang konting tubig dagat na umaagos-agos. Napakapa ako sa dibdib ko pero wala akong makapa, nakasuot kasi ako ng chest binder ngayon , shorts na hanggang tuhod  at shirt na color orange.

Nakuyuko lang  ako at nilalaro-laro yung mga paa ko na nakatampisaw sa tubig.

“RAIJEN!!”

Huh? May tumatawag sa pangalan ko? Haiiiz! Wala ako sa mood makipag-usap kahit kanino.

“CRUSH!!”

Namilog ang mata ko ng marinig ko yun. S-si Eugene ba yun? Kaya pala ang pamilyar nung boses.

Nilingon ko yung direksyon kung saan nangagaling yung boses at nakita kong si Eugene nga iyon.

At siyempre muli nanaman akong naduling sa ganda ng katawan nito. May six packs of abs at ang hot niya ring tignan. May tatlong babaeng naka sunod  sa kanya. Para silang mga ahas na naka pulopot kay Eugene. Yung dalawa naka kapit sa magkabila niyang braso at yung isa naman ay paikot-ikot sa harapan niya, papansin ba. Pero natigilan sila sa kahaharot ng tawagin akong “Crush” ni Eugene sa pangalawang pagkakataon.

Napasimangot yung isa na naka kapit sa braso niya.

“Crush? That lesbo? Are you f*cking serious?”

“ Akala ko ba ako lang?” 

Sabi nung babaeng paikot-ikot sa harapan niya kanina pa.

“No I thought it was only me who caught your eye, diba? Diba?”

Idinipa niya ang dalawa niyang mga braso ng mabilis  para makabitiw yung dalawang flirty girls na naka kapit sa kanya.

“Nag-iilusyon kayo? Kayo nga tong parang langaw na dapo ng dapo sa isang poging tae na kagaya ko?”

Wow ha! Sa dinami-dami naman ng bagay kung saan puwede niyang ikumpara yung sarili niya eh  sa tae pa talaga. Taba din ng utak nito eh noh?

Hindi na nakatiis yung isa pang babaeng chupol at pumunta na sa harapan ni Eugene.

“But I thought you brought her to your secret hide out! Hindi ba mga laruang babae mo lang ang nilalagay mo dun? So hindi ka seryoso sa kanya hindi ba!”

Ngumiti si Eugene sa babae, alam niyo yung nakakatakot na ngiti? Ganun yung ginawa niya tapos hinawakan niya sa magkabilang pisngi yung babae.

“No, I brought her to my paradise. “

“H-hah?”

Pamaang na tanong nung babae

“I mean seryoso ako sa kanya at kayong mga langaw!” 

HE IS MY SHE  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon