Chapter 63: Official

4.3K 78 36
                                    

Chapter 63: Official

Raijen’s POV.

Matagal ko nang inamin sa sarili ko na gusto ko si Shino at malinaw din sa utak ko na gusto niya ako. Nagbitiw na rin si Katherine na ayos lang sa kanya na  mapunta sa akin ang dati niyang kasintahan pero bakit ganun? Bakit ngayon pa ako nakaramdam ng kaba na kausapin si Shino?

Kasalukuyan akong nagtatago sa halamanan sa garden ng school at inaaninag si Shino na nakaupo sa isang malaking bench habang may naka kabit na earphone sa kanyang magkabilang tenga. Nakangiti ito habang pinagmamasdan yung baller na binigay ko sa kanya kagabi. Masaya ako kasi suot niya yun at mukhang napapasaya din siya nito.

*Sigh* bakit  ba  ako nagtatago? Para naman akong isang highschool student na nahihiyang mag-confess ka lalaking gusto ko. Yak lang.

Balak ko na kasi sabihin kay Shino ngayon na “Oo, oo na sinasagot na kita. Oo, tayo na. Oo, girlfriend mo na ako at boyfriend na kita.” Tsk! Pero bakit hindi ako makalapit sa kanya? Bakit ba ako nahihiya?!  Para namang hindi ako to oh!

Maya-maya pa’y may naramdaman akong malamig na hangin sa may bandang puwetan ko.

“ Hala, nakapalda tapos naka brief? ”

Napabalikwas ako at napalingon sa aking likuran, nakita ko si Eugene na naka dapa din at Itinataas ang palda ko.

“EUGENE!” Biglaang sigaw ko, nalimutan kong na nagtatago nga pala ako.

“ Mukhang nagkakasiyahan  kayong dalawa diyan ah.”

Nagulat ako nang makita ko si Shino na  naglalakad papalapit sa amin. Nakasimangot ito at nakapamulsa ang dalawang kamay.

“ Actually mukhang ako nga lang ang nasiyahan.” Pang-iinis pa ata ni Eugene, tinitigan ko siya at nilakihan ng mata pero tinitigan din niya ako ng matalim, nakakatakot talaga si Eugene! Kinilabutan ako kaya naman muli kong ibinaling ang tingin kay Shino pero laking gulat ko din ng makitang nanlilisik ang mga mata nito. Ano ba iyan! Napalliligiran ako ng mga impakto!

“At bakit ka naman nasiyahan?” Seryoso ang tono ng boses ni Shino. Hala, kinakabahan ako. Ano naman kaya ang isasagot nitong ni Eugene na pang-asar? Na nakita niya yung brief ko na kinakain ng puwet ko? Patay ako pag na mis-understood yun ni Shino.

“ Nakakatawa kasi itong si Raijen, kanina ka pa ini-stalk!” Malakas na sabi ni Eugene sabay tapik sa ulo ko.  Hay, salamat. Mukhang mas mabait na siya ngayon. Hindi na  niya pinalalala ang sitwasyon.

“H-hoy Eugene ano bang sinasabi mo!” Pag-iinarte ko sabay siko sa tiyan niya. Napa-aray siya ng konti pero  hindi pa rin mai-alis sa kanyang mukha ang bahid ng pangungutya.

Napatingin ako kay  Shino, seryoso ito nung una pero hindi nagtagal ay natawa din ito.

HE IS MY SHE  (COMPLETED)Where stories live. Discover now