Chapter 5 : HE IS A SHE!

9.7K 248 125
                                    

Chapter 5 : HE IS A SHE!

"Naaaaay! Hindi po talaga ko makapaniwala!" Masayang sabi ko kay nanay.

"Ikain mo na lang yan anak huh." Wala sa hulog niyang sagot habang busy siya sa pag fe-face book.

"Eeeeee! Anong klaseng sagot po ba yan nay?" Napakamot ulo ako dahil para lang siyang ewan kausap.

"May niluto akong adobong tubig lamunin mo kung trip mo."

"H-hah?! Pwede ba nay tigil mo muna yang ka co-computer mo at ang hirap mo pong kausap." Naiiritang sabi ko sa kanya.

"Yoko nga, May ka-chat ako eh."

"Nakuuuuu!" Tahimik na sabi ko sa sarili ko pero with feelings.

Maya-maya pa ay dumating na ang kuya ko sa bahay.

"Nandito na po ako." Sabay mano kay nanay.

"Kuya!" Nakasmile pa akong bumati sa kanya pero ayun inirapan lang niya ako at dumeretso na siya sa kanyang kuwarto.

"Mabigat pa rin talaga sa akin ang loob ni kuya ano po nanay?" Nanlulumong tanong ko kay nanay.

"Hay naku,hindi pa rin matanggap ng kuya mo ang naging desisyon mo para sa sarili mo anak." Sagot ni nanay habang nakatuon pa rin ang atensyon sa face book.

"Oo nga po nanay eh." Malungkot na sagot ko.

"O siya kumaen na tayo at ititigil ko na tong pag fe-face book ko." Sa wakas, Nag shut down din siya ng computer.

"Pero nay! Ayoko ng adobong tubiiig! "

***

Kinaumagahan

Naghahanda na ako for school. Nagpapogi ako at nag-ayos ng buhok dahil makikita ko na ang FRIEND ko na si Katherine. Kahit friends lang kami ay may kilig akong nararamdaman mula sa puso ko.

Masayang-masaya akong lumabas ng bahay at habang nasa daan ako papuntang school ay may humarang sa aking pamilyar na sasakyan.

Gaya ng ine-expect ko, si Shino nga yung nasa loob ng sasakyang iyon. Ibinaba niya yung glass sa bintana ng sasakyan.

"Sakay na." Preskong pagkakasabi niya.

"H-hah? Bakit naman ako sasakay diyan? Kaya kong mag jeep at magpa special sa tricycle para matunton ang school ano?" Pagre-reject ko sa alok niya. Bakit naman ako sasakay dun? Ano ako, hilo?

HE IS MY SHE  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon