Chapter 22 : Grand Wintermelon Island (PART THREE)

5.1K 112 6
                                    

Chapter 22 : Grand Wintermelon Island (PART THREE)

Hindi ako makapalag kasi ang bilis tumakbo ni Eugene, isang galaw ko lang ay tiyak na malalaglag ako atsaka tumatama din sa likuran niya yung mukha ko.

Maya-maya pa ay nasa tubig na kami ng dagat. Hanggang  bewang niya ang lalim at tancha kong malapit na sa dibdib ko yun dahil hindi hamak na matangkad si Eugene kumpara sa akin.

Nagulat nanaman ako ng bigla niya akong ibinalibag sa tubig .Nakainom ako ng tubig dagat at pumasok din ang ilang tubig sa ma ilong ko.

Ano bang problema nitong baliw na to at naisipang gawin sa akin yun. Mga estudyante talaga sa Ashton eh noh? Mga Abnoy!

“Bwiseeet!”

Agad kong pinagsusuntok sa braso si Eugene ng maka recover habang siya naman ay tawa ng tawa. Nakalusong pa rin kami sa may tubig a hanggang bewang na lang ang lalim.

“BAKIT MO GINAWA YUN EUGENE!!!?? NAG SORRY NAMAN NA KO SAYO AAAAH!!!!”

“Hehehe!! Para quits.”

“Anak ka ng tokwa! Hindi ko naman sinasadya yung kanina ah! “

Ngumiti siya ng kahina-hinala at sumisid sa tubig. Naiwan akong nakatayo dun at pinanonood ko lang siyang lumangoy-langoy.  Nabored ako ka nonood sa baliw na to kaya ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa ibang bagay at thankful naman ako kasi natanaw ko si Katherine na naglalakad-lakad sa may pampang . Nag zoom lang yung paningin ko sa kanya.  Nakasuot siya ng itim na bikini at tanaw na tanaw ko yung kaputian ng balikat,braso at legs niya. Kutis labanos dre at ang kinis-kinis pa! Ang ganda ng hubog ng beywang niya at ang haba din ng legs niya.

Kasalukuyang naglalaway ako sa ganda ng view ng bigla na lang umangat sa lupa ang paa ko. Laking gulat ko ng Makita ko ang ulo ni Eugene sa pagitan ng mga binti ko..

EFF! Nakapasan na ako sa kanya ngayon! Saan ba nanggaling ang lalaking ito at biglaan nalang sumusulpot.

“Hooooy ibaba mo nga ako ditoooo!!!!”  Pagpupumiglas ko.

“Hahaha! Ang gaan mo pala crush mas mabigat pa yung bag ko sayo oh!”

“Ang OA naman nun ano bang laman ng bag mo bato? Atsaka ano bang paki ko dun ibaba mo kooooo!!!!!”

Hiindi talaga niya ako ibinaba at naglakad pa papuntang pampang napalingon ako sa bandang kaliwa at nakita ko si Shino sa may bandang sulok. Nakatingin siya sa amin ni Eugene pero hindi ko siya pinansin.

Ibinaba ako ni Eugene sa may bandang buhanginan at dun ay natatanaw ko ang papalapit na sina Heidi, Katherine my labs at yung babaeng mukhang bata na may bob cut hair.

Infairnes si Heidi ang pinaka sexy sa kanila, nakasuot din ito ng two piece gaya ni Katherine pero pink yung sa kanya na may Floral design pero gaya ng dati kamukha pa din niya si Mcdo. De biro lang, hindi naman niya kamukha si Mcdo literally. Red kasi ang kulay ng buhok niya tapos may makapal na liquid eyeliner sa mata kaya napaka taray na niyang tignan at medyo nahahawig na siya sa payaso dahil sa super red lips niya.

HE IS MY SHE  (COMPLETED)Where stories live. Discover now