Chapter 41

21 1 5
                                    


Chapter 41

Backseat

I lie in bed and prayed to my God to help me fall asleep before I fall apart. Umiyak ako ng umiyak. Hindi ko pinansin kung maririning ba ako sa labas. Umiyak lang ako.

Kita ang buwan mula rito sa pwesto ko. Bilog ang buwan, ngunit wala akong nasisilayang mga bituin. I cried even harder because the moon doesn't give me that comfort anymore.

Kinabukasan, late ako nagising. Mugto ang mga mata ko mula sa pag-iyak kagabi. I tried putting make up pero hindi gaanong na-cover up ang pagkamugto nito.

Bahala na. I'll just tell them na nanood ako ng The Notebook.

Napansin kong may mensahe ako sa aking cellphone. It was from Darius. Agad ko iyong binuksan.

Darius:

Hi. I hope you're doing fine. Smile ka lang, huh? You look better when you smile and laugh. Can't wait for the day na ako na ang magpapatawa sa'yo.

P.S. Can't go to school today. Had to do something important. I'm gonna miss you all day. :((

Ngumiti ako bago tinago ang aking phone. Darius never failed to text me every morning and every night. His texts were always sweet. Minsan ko na nga ring ipinagdasal na sana sa kaniya na lang ako nahulog. Sana siya na lang ang mahal ko.

I want to give him a chance. Pero palaging sumasagi sa isip ko na hindi dapat. Papaasahin ko lang si Darius. Kung hindi naman siya talaga ang mahal ko, bakit ko pa gagawin? Gusto ko na nga rin siyang iwasan, e. Ayokong saktan ang feelings niya lalo na't alam niyang gusto ko si Aiden. Pero ayaw niya, e. Sabi niya, gusto raw niyang nasa tabi niya ako. Baka sakali daw kasing magbago ang isip ko at mahulog ako sa kaniya. 

Dahil male-late na ako ay nagmadali akong bumaba. Nasa dining na sila Mommy. Sabay nila akong nilingon at inaya sa hapag.

"Kumain ka na bago pumasok," Mommy said.

Umiling ako. "Hindi na po. Sa school na lang ako kakain, late na rin ako."

Tinignan niya pa ako ng matagal bago tumango. "A-aiden's outside. Doon ka na raw niya hihintayin sa labas."

Tumango ako naglakad paalis ng bahay. Ture enough, Aiden's car lie outside our gate. Mabilis akong pumasok sa loob. Nginitian niya ako ngunit agad napawi iyon nang may mapansin siya.

"Mugto ang mga mata mo?"

Kinabahan kaagad ako sa tanong niya. Nag-iwas ako ng tingin at umayos ng upo. Binaling ko ang atensyon ko sa seatbelt.

"Ano... pinanood ko ulit 'yong the notebook." Hindi pa rin ako tumitingin sa kaniya.

He started the engine at narinig ko ang pag-buntong hininga niya.

"May problema ka," He said. Napalingon agad ako sa kaniya. "The Notebook ang excuse mo sa tuwing umiiyak ka sa gabi."

Natigilan ako. Nagbabadya na naman ang mga luha. Naiinis na ako, huh? Lagi na lang umiiyak! Ang hina-hina!

"If you're worried about the engagement... gagawan natin ng paraan." Nilingon niya ako at ngumiti. "We'll get through this."

It hurts so much. 'Cause I can see his determination to get out of this situation right away. And how I wanted to stay a little longer because I want to be called as his fiancé and not just his best friend. How I still hoped na matutuloy ang kasal.

Pero niloloko ko lang ang sarili ko, ano? Bakit ba kasi hindi ko matanggap na wala na nga? Why do I keep on hoping?

Absent daw ang teacher namin sa first subject kaya wala kaming klase. Nagwawala na ang lahat sa loob. May nagpapatugtog. May sumasayaw at iyong iba naman ay tulog.

Can't Help Falling In Love (Estella Series # 1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن