Chapter 2

43 3 0
                                    

Chapter 2

Best Friend

"Ang galing mo talaga, Athira! Wala pa kayang nakakasagot do'n kila Princess!" Tukoy ni Aiden sa batang babae kanina.

Tinignan ko lang ang makulit na si Aiden sa harap ko. Siya lang ang sumabay sa akin sa recess. The girls don't want to come with me, they keep on staring at me and sticking their tounge out on me. The boys keep staring too, but unlike the girls, they're smiling at me.

Ngumingiti ako pabalik. They seem nice.

"Sarap naman niyang ulam mo! Pahingi, a?" Hindi pa ako pumapayag ay dumukot na ng bacon si Aiden.

Nanlaki ang mata ko. No... My bacon...

I looked at him with sad eyes. It's my favorite! No!

"W-wait..." Ngunit huli na ang lahat. Kinagatan niya na ang bacon ko. Nginuya niya itong mabuti at tsaka nag thumbs up sa akin.

Tinitigan ko ang bacon. That was the last one. Ang natira na lang ay isang hotdog and sunny side up. My... bacon...

Nanggilid ang luha ko. That was the last one. My... favorite... bacon. Kinain niya 'yung bacon ko!

Nang makita niya ako ay biglang nanlaki ang mata niya. Mabilis niyang inubos ang bacon kaya lalo akong nalungkot.

"Bakit ka malungkot? May nang away sa'yo? Sino? Aawayin ko!" Medyo nabulol pa siya dahil sa kinakain.

"Kinain mo 'yung bacon ko," nakanguso kong sinabi habang pinipigilan ang mga luha.

Sabi ng dati kong yaya, weak daw ang mga umiiyak. 'Wag kang iiyak, Athira. Hindi ka weak. Bacon lang 'yan. Marami sa bahay.

Pero... Pero...

"Hala! Sorry! Hindi mo naman sinabi! Favorite mo ba 'yun? Dadalhan kita bukas!"

Ngumuso ako lalo. Bukas pa?

"Gusto mo iluwa ko?" Inosente niyang tanong.

Ngumiwi ako at binato siya ng butil ng kanin.

"Kadiri ka!"

Pagkauwi ko ay hindi na ako ganoong kalungkot. Binilhan niya ako ng lollipop bago umuwi. Nangako din siya na bukas ay bibigyan niya ako ng apat na bacon. Excited na tuloy ako!

"How's your day, my princess?" Daddy kissed my forehead before sitting on his chair.

It's dinner time and Daddy and Mommy are already home.

"It was fine, Dad. Some girls hate me..." And then I told them what happened.

Mommy keeps on reminding that the tips she gave is a defense mechanism. Kapag daw mean ang mga tao sa akin tsaka ko lang daw gagawin iyon.

Kinabukasan ay tinupad ni Aiden ang pangako niya. Apat na bacon ang dala niya para sa akin. Dahil may dala akong dalawa, anim na ang bacon.

"Hati tayo, a? Tig tatlo tayo," excited niyang sabi. Excited din akong tumango. "Luto 'to ni Yaya Betty. Kain ka lang!"

Kumain ako ng masaya non. Wala akong paki kung gaano siya naging madaldal dahil enjoy na enjoy ako sa kinakain ko.

Habang ngumunguya ay lagi kong napapansin ang masamang tingin sa akin ni Princess. Sabi ng pinsan ko, iyong mga batang laging ganoon daw ay insecure.

What's insecure?

Nang mag uwian ay hinintay ko ang driver namin sa may gate nang biglang lumapit sa akin si Princess. Naunang umuwi si Aiden. Uuwi daw kasi ang mga pinsan niya kaya pupuntahan nila.

Can't Help Falling In Love (Estella Series # 1)Where stories live. Discover now