Chapter 20

23 4 10
                                    

Chapter 20

Tapon

I loved magical things ever since I was a kid. I believed in princesses and the knight in shining armors. I believed in happy ever afters. And maybe, up until now, I still do.

At tingin ko, talo ang mga prinsesa't prinsipeng ginawa ng maliit kong utak noong bata pa ako sa nangyayari ngayon. Being this intimate with Aiden tonight was beyond everything. I could literally see glitters everywhere.

Siguro para sa kaniya, sayaw lang ito, pero para sa akin, it was more than everything.

Natigil kami sa pagsasayaw nang tumigil ang kanta at umalingawngaw ang boses ng dj.

"It looks like everybody's having a great night!" Humiyaw ang mga tao.

Dahan dahan kong binitiwan ang kamay ni Aiden at binaling ang tingin sa dj. Narinig ko ang mahinang tikhim niya at hindi ko na lang pinansin iyon.

Sa kabila ng kilig at tuwang nararamdaman, nanaig pa rin ang takot ang pangamba sa aking sistema. Hindi ko alam ang dapat kong gawin at isipin. Ano ba dapat? Sign na ba ito para umasa? Ito na ba ang sign na hiniling ko ka Kaniya? Gusto niya rin ba ako? Dapat ko na bang sabihin ang nararamdaman ko?

Letse ang gulo!

Kung ano-ano pa ang sinabi ng dj bago pinakilala si Aiden at pagkatapos no'n ay tumugtog ng malakas ang happy birthday song. Tumawa si Aiden at napailing nang lumabas sila Angela na may dalang malaking cake.

Aiden groaned. "I thought the singing and blowing is over!"

"Well, you thought wrong, bro!" Ronan said before throwing his arms to Aiden's shoulders.

Aiden's party was a blast. I mean I've been imto clubs before pero hindi ganitong ka-liberated. Mommy and Daddy had to go nang mag alas onse. At sobra ang tuwa ko nang payagan nila akong mag stay pa dito! Kaya naman ngayong wala na sila at paniguradong kila Aiden ako matutulog ngayon, walwal na this!

I don't even know what's that supposed to mean.

"Shot! Shot! Shot! Shot!"

Nalunod ang aking tawa sa sabay sabay na sigawan ng basketball team kay Aiden. They keep giving him shots and he keeps on drinking them. Nagalala pa ako noong una kaso kaarawan niya naman ito kaya bahala siya sa buhay niya.

"Wooooh!" They all shouted in excitement when Aiden drank the beer with no hesitation.

"Athira! Athira! Athira!" Mabilis ang iling ko habang tumatawa dahil sa'kin naman nila ngayon inaabot ang shot glass na may alak.

Umiinom naman ako pero onti lang. Hindi naman kasi ako ganoong ka hilig sa alak. Umiinom lang ako kapag nabibigyan ng shot glass o talagang kapag nauuhaw ako.

Tumawa pa ako at sa huli ay kinuha ang shot glass na inabot ni Darius. Nagsigawan silang lahat lalo na noong ininom ko iyon ng tuloy tuloy. I wrinkled my face when the bitterness of the liquor hit my tounge.

"Wooooh!"

Masaya ang party ni Aiden. It was the best night of my life! Nang mapagod ako kakasayaw ay umupo ako sa mga sofa at sumandal. Mabilis ang tibok ng puso ko sa hingal at pagod. Mukang lasing na si Angela dahil sobrang wild na niya. Kung ano-anong dance moves ang ginagawa niya doon na sinakyan ko naman kaya pagod na pagod ako.

Can't Help Falling In Love (Estella Series # 1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat