Chapter 30

13 2 1
                                    


Chapter 30

Reyalidad

Ilang oras na simula nang makarating kami sa ospital. Nasa loob pa sila Mommy at Tita. Nandito naman kami sa rooftop ni Athira at umiinom ng kape.

Kanina ay dinumog ng reporters ang ospital dahil kay Tito. Unfortunately, the news spread to the media at nagkagulo ito. Ilang reporters ang sumubok na kausapin ang isa sa amin ngunit hindi naman sila nagtagumpay. Hindi rin nagtagal ay napaalis sila ng mga body guard nina Tita.

"You okay?"

Halos sapakin ko ang aking sarili. What kind of question is that? Of course, Aiden! She is not okay!

"No," aniya at lumingon sa akin. "I'm scared, Aiden."

Muling tumulo ang kaniyang luha. Agad ko siyang inalu at niyakap.

"It's okay to be scared... kahit ako ay natatakot. But you need to be strong. But look at Tito. He's doing fine. He's happy. It's okay to be scared but you need to have faith. Okay?"

Naramdaman ko ang kaniyang pag-tango sa aking dibdib. Natahimik kami bigla. Ang busina ng mga sasakyan at ang huni ng hangin ang tanging gumagawa ng ingay.

"What if I have it, too?"

Doon ako hindi nakasagot. Paano kapag meron din siya? Hindi ko rin alam ang gagawin ko, Athira. Mababaliw ako panigurado.

"You don't and you won't. Wala kang sakit, Athira."

Hindi na siya muling sumagot. Lumunok ako at bahagyang nakaramdam ng takot.

Mariin kong pinikit ang aking mata at umiling. Hindi 'yan, Aiden. She doesn't have it.

"You know why I brought you here at the rooftop?" I asked. Changing the topic.

Tiningala niya ako at kumalas sa aking yakap. Umiling siya at sumimsim sa kaniyang kape.

Inilagay ko ang aking kamay sa railings at tumingala. "Full moon ngayon."

Naramdaman ko ang kaniyang pagtingala. "You told me once that the moon always gives you a kind of comfort nobody else can. There's stars, too."

Maliwanag ang buwan ngayon at walang tigil naman sa pagningning ang mga bituwin.

"Thank you, Aiden," she said. "And sorry... hindi natuloy ang plano mo today."

I chuckled at nilingon siya. "What? Are you kidding me? Okay lang iyon. It's an emergency. Tsaka, nawala na nga sa isip ko. Naalala mo pala?"

"Oo. Mukang sobrang excited ka kaya kanina."

Ngumiti ako at muling tiningala ang mga bituwin. Ang araw at ang gabi na ito ay parang isang pahiwatig na kaming dalawa ni Athira ay hindi talaga itinadhana. Parang ilang beses sinampal ng tadhana sa akin na wala naman talagang pag-asa. Kaming dalawa ay hindi iginuhit ng mga bituwin. Pinagtagpo pero hindi itinadhana.

Hindi ako maaaring umamin ngayon. Tonight is not the right time. Kahit bukas, o sa susunod na bukas, o sa isang linggo, o kahit kailan.

"Mommy, you should go home and rest. Alam ko pong kanina pa kayo nandito at pagod na kayo. Ako na muna ang magbabantay kay Daddy."

Nakatulog ulit si Tito. Ayon sa doktor ay ang madalas na pagkapagod ay isa sa mga symptoms ng kaniyang sakit.

"No, you should go home and rest, Athira. I've been taking care of him for twenty eight years at kahit kailan ay hindi ako napagod."

She looked at Tito and pushed back his hair. "If he's  awake he would want you to rest, too."

Bumuntong hininga si Athira at niyakap sa likod ang kaniyang ina.

Can't Help Falling In Love (Estella Series # 1)Where stories live. Discover now