Chapter 48

12 1 1
                                    


Chapter 48

Fear

Buong araw akong hindi pinansin ni Aiden. Kahit noong dumating sila Sofia. He looked so happy when he saw her. Muling kumirot ang puso ko.

Hindi ko inakalang sa ganitong paraan niya malalaman. Ni hindi ko nga gustong malaman niya. Mas ginusto kong itago ito dahil alam kong balang araw ay mawawala rin naman iyon. Ngayon, pasira na kami. Paano ko ito aayusin?

"Ikaw pala si Sofia! Kinukwento ka lang sa akin nina Aiden. You're so pretty!" Pinalo ni Angela ang braso ni Sofia.

Nag-lunch kami sa Robinson's pagkatapos namin silang sunduin. Kumpleto kaming lahat. Si Darius pati si Ronan ay nandito rin.

"Naririnig din kita! Bukambibig ka kaya ni Ronan."

"Shh! Bangkera ka, huh? Hindi kaya! Bukambibig ka riyan."

"Edi wow! Ronan, a? Ikaw pala, a? Lagi mo kong iniisip!"

"Ulol!"

Hindi ako makapagsalita. Tawa lang ang aking nagagawa. Si Aiden minsan ay nakakaihalubilo pati si Darius. Bakit ganoon? Nakukuha niyang makisama kahit heto kami at pasira na.

Edi wow, Athira. Baka naman kasi hindi talaga siya affected. Ikaw naman kasi, ginagawa mong big deal ang lahat. Minsan ang sarap ding lunurin ng sarili ko, e.

"Kanina ka pa tahimik, a?" Siniko ako ni Darius.

Pagkatapos ng maikling lunch na iyon ay dumiretso kami sa Fort San Pedro. Busy ang lahat sa pagkuha ng litrato at sila Sofia at Angela naman ay gumagawa ng mga puns.

Nilingon ko si Darius. "Hindi naman."

"Tsk. Ano nangyari?"

Tinignan ko siya ng matagal. Bakit kaya hindi si Darius? Gwapo naman siya. Mabait din kahit medyo bad boy ang itsura. Kaya bakit hindi na lang siya?

Kung sana ay natuturuan lang ang puso. Mapiligilan pa siguro natin ang paghulog sa maling tao.

Pero hindi naman ganoon ang buhay hindi ba? We just can't help falling in love to the wrong person.

"Wala. Tara, mag-picture na lang tayo!"

We romed around Fort San Pedro. Took a lot of pictures and laughed continuously. Mukang okay lang ang lahat kahit hindi. Pero kalimutan na muna natin ang lahat. This is a time to unwind. Hahayaan ko na muna ang lahat at magsasaya kahit panandalian.

After namin sa Fort San Pedro ay sa Magellan's Cross naman kami.

"Oh, sabi nila may miraculous healing powers daw ang cross ni Magellan. Lahat ng sawi! Lapit at humawak kay Magellan! Baka sakaling gumaling ang nagdurugong puso!"
Tumingin sa akin si Angela habang tumatawa.

"Gago." Bulong ko.

Humagalpak siya. Nilingon ako ni Aiden kaya tumikhim ako at nagiwas ng tingin.

"Ako! Ako!" Nagtaas ng kamay si Darius at mabilis na hinawakan si Magellan.

"Ako din! Ako din!" Kahit si Sofia ay lumapit para humawak kay Magellan.

"Oh, bakit sawi? Naku, Aiden, huh! Anong ginawa mo?"

Nilingon kong muli si Aiden na nakakunot na ang noo ngayon habang masama ang tingin kay Sofia.

Binelatan siya ni Sofia. "Iyong jowa ko kasi. Close minded. Parang ano, ang sarap i-break. Ayaw makinig."

"Ay naku! Kung ako iyan, nakipag break na ako. Tsk. Hindi dapat gano'n!"

Can't Help Falling In Love (Estella Series # 1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat