Chapter 16

17 3 4
                                    

Chapter 16

Scared

I hate to admit it, pero kahit na may ka-date akong iba, si Athira pa rin ang nasa isip ko. I am aware of their reactions whenever I say her name. Inis, disgust, galit. Oo nga naman, offensive iyon. Sila ang kasama ko pero iba ang bukambibig ko.

I am a jerk, I know.

Hinabol ko ang aking hininga at hinanap siya sa mga bleachers. Tinukod ko ang dalawang kamay sa aking mga tuhod at ngumiti nang makita siyang kumaway sa akin. I waved back and gave her a thumbs up.

Parang ginanahan akong maglaro, a! Nag stretch ako nang bahagya bago bumalik sa aking team.

Kalaban namin ngayon ang higher section. Laglag na sila Flores. Buti nga sa kaniya. Pero gusto ko pa rin siyang makalaro at pabagsakin. Iyong tipong siya na 'yong mapipikon, hindi kami.

"Nice game, guys!" I congratulated my teammates after we won.

"Tara, Jimmy's!" Natutuwang aya ni Yuan.

"Sige, libre mo?" nakangisi kong tinanong.

"Siyempre!" Nagsigawan kaming lahat at nagmadaling ayusin ang mga gamit.

Papunta na sana ako sa kung saan nakalagay ang mga gamit nang dumating si Athira kasama si Angela. Angela immediately went to Ronan to hit his head.

"Aray! Bakit ba!" Tumawa na lang ako at hindi sila pinansin.

"Nice work. Muntik ka nang madapa kanina, sayang," she frowned at umaktong nadisappoint.

Tumaas ang kilay ko. "Sus, baka nga kung tunay na nadapa ako, tumakbo ka pa pababa ng bleachers at ipatigil mo ang laro."

She gasped. "Hoy ang kapal! Bakit ko gagawin iyon? Baka nga tumawa lang ako at hayaan kang dumugo riyan sa sahig."

Umirap siya at nilagpasan ako. Pikon.

Ngumiti ako at pinagmasdan siyang umakbay kay Angela. Those small talks, are enough for me. Sapat na iyon to make my heart flutter. Shit! Ang babae pakinggan!

"We're going to Jimmy's. Sama kayo?" I asked.

Tumingin si Athira kay Angela, as if asking for permission.

"Aba, siympre! Libre, e!"

"Uy, Athira! Sama kayo sa Jimmy's? Libre ko!"

Nawala ang ngiti sa aking labi nang akbayan siya bigla ni Yuan. Medyo close naman si Athira sa mga teammates ko, but I can clearly see that she's uncomfortable with Yuan's touch.

"O-oo. Sasama kami."

Before Yuan could say anything, hinila ko na palayo si Athira.

"Yup, she's coming. Don't touch her."

Nagulat si Yuan at nanlaki ang mata pero kalaunan ay napalitan ng ngisi ang nakabilog na bibig at mapaglaro na ang kaniyang mga mata.

"Nice one, bro," may ibang kahulugan ang kaniyang sinabi.

I raised my middle finger at him and he roared a laughter.

"You sure that we can come? I mean it's your team's celebration..." she asked for the second time.

"Yes, Athira. You're part of the team," I answered lazily.

"I'm part of the team? How?"

"You're my best friend that's why you're part of the team. You're our number 1 fan kaya you're part of the team. Understood?"

I saw her cheeks turn pink as if its not pink already. Ngumuso ako para pigilan ang nagtatangkang tumakas na ngiti.

Haay, Athira. Is it possible that you like me, too?

Everyone was loud at the Jimmy's. Siyempre nangunguna na doon sina Ronan, Yuan, Angela.

Ang saya ko sana, e. Kung hindi lang tumatawa si Athira dahil kay Darius. Darius told Athira a stupid joke na hindi naman nakakatuwa. I keep hissing and coughing to grab her attention but her eyes were all on Darius! Shit!

Tinuon ko ang galit sa chicken na kinakain. Nang maging buto na lang ito ay na-imagine ko ang magiging itsura ni Darius oras na bugbugin ko siya. Ito ang magiging itsura mo, gago.

"Aiden, patay na 'yan. Bakit pinapatay mo pa rin 'yong manok sa isip mo?" bulong ni Angela sa gilid ko.

Ngayon ko lang napansin na kanina pa masama ang tingin ko sa fried chicken na buto na lang ngayon. Umiwas ako ng tingin at humalukipkip saka sumandal sa upuan.

"Bakit ang tahimik mo? May problema ba?" Athira asked when she got out of my car.

We went home after a little celebration. Nainis lang ako magdamag sa gilid ni Athira dahil hindi niya ako pinapansin. Lahat ng atensyon niya ay na kay Darius!

I sighed before talking. "Pumasok ka na. Dumidilim na."

Kumunot ang noo niya. "Aiden."

Yumuko ako at kinamot ang batok. May pagbabanta ang boses niya. Alam kong kapag ginamit niya ang tono na iyon ay kailangan ko nang matakot. Her voice was angelic yet scary. Is that even possible?

"I'm just... tired. Kahapon pa kami naglalaro. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod." Ngumiti ako.

She sighed. For a moment, I saw those familiar emotions in her eyes. Disappointment and sadness?

Why? Ine-expect ba niyang iba ang sasabihin ko? Why does it look like that she's expecting too much?

I was about to ask her what was that but then she smiled and hugged me.

"Rest, Aiden. You've been doing a good job." She whispered silently.

Nagulat ako sa kaniyang ginawa. Napawi ang selos at inis na nararamdaman ko kanina. Napalitan ito ng tuwa. Hindi ako makapaniwalang isang yakap lang, nakalimutan ko na ang inis ko! I groaned mentally.

"Papasok na ako. Ingat ka pauwi."

Nang makauwi ako at makaligo, tinawagan ko siya agad. Damn! Na-miss ko siya agad! Kanina lang kami nagkita! What is Athira doing to me!

Nag facetime kami at ang dahilan ko ay may bagong release na kanta ang paborito naming banda. That was stupid, I know. But I can't just tell her that I miss her because that would definitely sound weird and creepy.

This is all I've wished for. I wish that one day, hindi na kami sa phone magu-usap bago matulog. Sana magkatabi na kami sa kama. Walang pangamba, walang takot, walang harang. Sana wala nang takot. Iyong malaya na kami sabihin lahat ng nararamdaman namin. Iyong wala nang mawawala.

"You can sleep now," I told her.

Hukikab na siya at lalong pumungay ang mata sa antok. Tumango siya ng naka pikit.

"Okay, you should end the call," her raspy and sleepy voice said. "Goodnight, Denden."

I didn't end the call. Hinintay ko munang makatulog siya ng husto bago ito patayin.

"Goodnight, Athira."

The next few days, I decided to enjoy every moment I have with her. Who knows? Baka mamaya sabihin ko ang nararamdaman ko at bigla niya akong layuan. At least I'd have more memories to keep.

It really scared me. That thought really scared me. Imagining her avoiding and leaving me gives me goosebumps and it's making me so weak. Sa tuwing naiisip ko na ina-ayaw-an niya ang confession ko ay natatakot ako. Pakiramdam ko sa oras na mangyari iyon ay habang buhay ko na siyang hindi mahahawakan. I feel like she'd avoid me forever! I don't want that.

So I'm seizing every moment. Okay na sa akin na best friend niya ako at araw araw ko siyang nakikita. Hawak ko na siya ngayon, hindi man bilang boyfriend niya pero at least, parte ako ng buhay niya.

I'm still standing on the line we made since we were kids. And I am not daring to cross it. No, I'm not taking the risk. I think it's better this way.

Can't Help Falling In Love (Estella Series # 1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz