Chapter 32

14 2 6
                                    


Chapter 32

What's The Meaning Of This?

"Feeling ko talaga may gusto sa akin iyang si Ms. Macatapang, e. Ilang beses niya na akong ninanakawan ng tingin."

Nginiwian ni Athira ang mataas mangarap at walang hiyang si Ronan. "So, pareho tayong gusto ni Ma'am, gano'n kasi panay din ang sulyap niya sa akin?"

"Hindi ka niya gusto, Athira, huwag kang assuming. Paniguradong nagse-selos lang iyan dahil close tayo at lagi tayong mag-kasama." Tumango-tango siya bago ako binalingan. "Sa tingin mo, pre? Kausapin ko kaya si Ma'am? Child abuse kasi iyan, e. Hindi pwede sa mata ng batas. Kung pwede lang, papatulan ko siya, kaso hindi talaga, e. Ano sa tingin mo?"

Seryoso pa siya ng banggitin niya ang mga salitang iyon. Wala na talaga siya sa tamang pag-iisip. Parang kailangan ng powers ni Angela para kahit papaano ay tumino siya.

"Sa tingin ko ay gago ka at iniistorbo mo ang pag-aaral ko. Manahimik ka diyan at baka ako na mismo ang magtulak sa iyo kay Ms. Macatapang." nginisihan ko si Ronan.

"Luh! Pre! Walang laglagan! Baka mapahiya si Ma'am! Bago lang siya dito at nagmamahal lang naman. Sa maling tao nga lang."

Babarahin ko na ulit sana siya nang may magsalita.

"Excuse me, Mr. Sanchez and Mr. Rivera, meron ba kayong gustong i-share sa klase?"

Natigil sa pagdaldal si Ronan nang tawagin kami ni Ms. Macatapang. Lalong lumaki ang ngisi ko nang nanlaki ang mata ni Ronan.

"Ma'am kasi sabi ni Ronan, bagay daw kay—"

"Hindi, Ma'am!"

Pinagtaasan ng kilay ni Ms. Macatapang si Ronan nang putulin niya ang dapat sasabihin ko. Tinakpan ko ang aking bibig sa pagpigil ng tawa.

"A-ang ibig niya pong sabihin ay... bagay po ang apelyido niyo sa inyo! Ms. Macatapang... kasi matapang kayo. Hehehe..."

Hindi ko na napigilan ang aking tawa ganon din si Athira sa aking tabi. Ayan! Pahiya ka!

Tumaas lalo ang isang kilay ni Ma'am. "Anong sinasabi mo diyan, Mr. Sanchez? Makinig ka nga sa discusion. Puro ka kalokohan."

Ngumuso si Ronan at yumuko. Hinimas ni Athira ang kaniyang likod bilang pang-aasar.

"Ano? Anong napala mo? Napahiya ka 'no? Hahahahahaha!!" Kanina pa ko tawa ng tawa nang mag luch kami at hindi pa rin nakaka-get over sa nangyari kanina.

"Ang totoo niyan, pre, kinikilig si Ma'am. Kinikilig 'yon." Pagdedepensa ni Ronan sa kaniyang sarili.

"Ewan ko sa'yo, Ronan. Bored na bored ka na siguro." hapyaw ni Sofia.

Sa buong dalawang linggong magkakasama kami ay naka-close naman ni Sofia si Ronan at ang iba naming kaklase. Ewan ko ba sa kanila. May sira ang utak nila. Hindi ko alam kung bakit nila kinakausap at kina-kaibigan ang babaeng ito.

"Ba't ka nakikisali? Hindi ka naman ka-join..." pambabara ko kay Sofia.

Ang hilig-hilig niya talagang makisali. Hindi naman kasi kausap...

Sinamaan ako ng tingin ni Sofia. "Paki mo ba? Hindi naman ikaw ang kausap ko. Pampam ka."

"Oooooohh! Pampam! Payag ka no'n, pre, pampam ka daw? Kung ako 'yan hindi ko 'yan mapapatawad."

Natawa si Athira sa side comment ni Ronan kaya hinampas niyo ito sa kaniyang braso. Narinig ko ang kaniyang pag-daing pero mukang walang pakielam si Athira.

Tumalim ang pagtitig ko kay Sofia. Ginantihan niya rin iyon. Naningkit ang mga mata ko dahil hindi siya papaawat.

Staring contest ba kamo?

Can't Help Falling In Love (Estella Series # 1)Onde histórias criam vida. Descubra agora