Chapter 25

14 3 2
                                    

Chapter 25

Hoping

Pagkatapos ng aming graduation ay tumungo naman kami sa isang restaurant kasama ang pamilya nila Ronan, Angela, at Aiden. Doon kami nag-dinner. Nagulat pa nga ako nang hindi tarayan ni Mommy ang pamilya nila Ronan at Angela gayong hindi naman sila kilala sa business industry.

"Angela, oh..." Habang ngumunguya ng dessert ay binigay ko kay Angela ang isang paper bag at malaking picture frame na naka gift wrap pa.

"Ano 'to?" Tila naluluha niyang tanong.

"Graduation gift ko sa'yo. Para may malagay ka naman sa kwarto mo sa Cebu."

Ang loob ng paper bag ay isang may kalakihang jar at may mga nakarolyong letters akong nakalagay doon. Meron ding maliit na box doon kung saan may mga pictures naming magkakaibigan ang nandoon. She could hang it in her bedroom wall or something. Sa gift wrapper naman ay painting naming magkakaibigan iyon.

This is not over reacting. It's just that, all my life, kasama ko lagi si Angela. Kaya sobrang hirap at lungkot isipin na hindi ko na siya makikita at makakasama pa sa mga susunod na taon. I have a feeling kasi na she'll be gone for a long time. I know. We could face time and text each other pero iba pa rin naman kasi iyong kasama mo siya physically.

"Awww! Nakakainis ka! Ayoko na talaga sa'yo, Athira! Nagpapaiyak ka na naman, e!"

Tumawa ako at napansin kong nakitawa rin ang mga kasama namin sa hapag.

"Ililipat mo na ba ang anak mo sa susunod na school year?" Tanong ni Tita Louissa sa nanay ni Angela.

"Oo. Sa Cebu na siya mag-aaral kasama ang mga kuya at ang Papa niya."

"Is that so? Kaya naman pala sobrang lungkot ni Ronan sa bahay. Halos hindi mo maka-usap. Sobrang tamlay at para bang nawalan ng nobya." Tumawa ang Mama ni Ronan kaya hindi ko rin napigilan ang akin. Pabirong kong tinulak ang balikat ni Ronan.

"Suuus! Ikaw ha!"

"Ma, naman, e... bakit mo sinabi..." narinig ko ang bulong niya sa kaniyang Ina. Muli akong tumawa at hinampas ko pa ang balikat ni Aiden.

Kinabukasan ay hindi na kami nakasama sa paghatid kay Angela sa aiport. Alas cinco ng madaling araw ang kaniyang flight patungo doon kaya hindi na kami nakadalo. Ngunit pag-apak na pag-apak niya pa lamang sa Cebu ay ka-video call niya kami.

"Grabe! Bakit parang iba ang ihip ng hangin dito?" Ani Angela na sinisinghot pa ang hangin.

"Okay, na-sceenshot ko na." Natatawang bulas ni Ronan.

"Bwisit ka!"

"Ma... huwag mo kami kakalimutan, Ma. Iyong nutella ko, Ma, huh? Anong oras na ba diyan, Ma? Seven thirty na kasi ng umaga dito, Ma. Alas otso na ba riyan?"

Hindi ko na napigilan ang tawa sa kunwaring malungkot na mata ni Aiden. Tila ba lungkot na lungkot dahil iniwan ng kaniyang ina para mag-trabaho abroad.

"Ay nako! Napakalamig rine! Ang babait din ng nga tao. I feel like a tourist here!" Maarteng sabay ni Angela sa trip ni Aiden.

Sa mga sumunod na araw, sa bahay lang ako nag-stay at araw-araw akong nanonood ng movies. Siyempre, kasama ko si Aiden. Si Ronan naman ay nasa Australia at nagt-travel kasama ang pamilya. Next week kami uuwi ng Manila para magbakasayon. Kaya kung minsan ay late umuuwi sila Mommy para tapusin ang mga dapat tapusin bago kami magbakasyon.

Sila Aiden naman ay parang kila Ronan din. Magt-travel sila sa buong bakasyon. Sa pagka-kaalam ko ay sa Puerto Galera sila ngayong Sabado. Gusto pa nga nila akong isama kaso sa Sabado rin ang uwi namin ng Maynila.

Can't Help Falling In Love (Estella Series # 1)Where stories live. Discover now