Chapter 19

23 4 5
                                    

Chapter 19

Sanity

Tahimik sa kotse pauwi. Panay ang buntong hininga ni Aiden at pagpigil na magsalita. Hmmm... Aiden should just accpet the fact na hindi siya mananalo sa akin. Tsk.

"Okay..." he said nang itigil niya ang sasakyan sa tapat ng bahay.

"Before you go... I want to say I'm sorry. I know i'm a jerk. Sorry for being a jerk. Naiirta lang talaga ako sa tuwing nakikita ko si Darius, e." Halata ang pagpigil ng inis sa huling mga sinabi.

"Ayokong umuwi ka nang may tampuhan tayo so... sorry, Athira."

Pinagtaasan ko siya ng kilay. I saw him swallow hard and he nervously tapped the steering wheel.

"Okay, fine. But you owe me an ice cream and a chuckie tomorrow. Okay?"

Aiden sighed and smiled. "Yup. Noted."

Nang mag sabado, aside from reviewing, sinimulan ko ang regalo ko kay Aiden. I painted a picture of us using oil sa isang maliit na canvas. Picture namin pareho iyon noong bata pa lang kami. Both our hands are at each other's shoulder and we were smiling wide. Naisip ko rin na lagyan ito ng ibang designs. I added some tweaks para mas maging maganda.

Pero hindi ko pa rin matapos iyon dahil priority ko ang pagaaral. Lalong lalo na at exams na next week. Sunugan talaga kami ng kilay dahil ang hihirap ng mga exams ngayon.

"I'm totally going to a spa after the exams! Gosh! Nakakastress ang exams! Nakakaloka!" Reklamo ni Angela habang hinihilot ang kaniyang sentido.

Tumawa ako nang bahagya. "Don't force yourself. Magpahinga ka ng ilang minuto bago mag review. That works for me."

"Yes. Nagagawa ko naman iyan pero wala lang talaga akong maintindihan, e! Now I regret not listening to Ms. Cristobal's subject!"

Angela continued sharing how much she regret not listening to some of our teachers' classes. Ayan, kasalan niya rin iyan. Pasimpleng natutulog iyan sa klase at hindi pa rin talaga ako makapaniwalang hindi siya nahuhuli. Ninja talaga iyan.

Pagkatapos ng unang araw ng exam, dumiretso si Aiden sa bahay para mag-aral. Naging routine na namin iyon tuwing exams. It's either ako ang pupunta sa kanila para mag-aral o siya ang pupunta sa amin.

"May copy ka ng formula sa science? I lost mine." ani Aiden habang nakanguso.

We just finished drinking chuckie at ngayon naghahanap naman siya ng yakult. Hindi kaya sumakit ang tiyan niyan dahil halo-halo na ang naiinom niya?

"You can copy mine," inabot ko sa kaniya ang index ko na may formula.

Ganoon ang ginawa namin every after exams. Pagkatapos nang ilang reviews and basa, magtatanungan kami. It really helps a lot for us. Madali naming maintindihan ang isang bagay at nakakapagtanong din kami sa isa't-isa.

Para sa akin, isa ito sa mga moments na dapat i-treasure ko talaga. Kasi alam mo iyon, walang naghihilahan sa amin pababa. We're actually helping each other grow and be better. I think that's also the reason why our friendship is strong. We don't pull each other down. Kung isa man sa amin ang nasa itaas, imbes na hayaan ang isa sa amin na manatili sa ibaba ay magtutulungan kaming mag-angatan. The thought of it makes me kilig.

Haaaay, Aiden.

Natapos ang exam week ng matiwasay. Nasagutan ko naman ang lahat kaya napanatag ang loob ko. Isang malalim na paghinga ang ginawad ko dahil sa wakas ay wala na akong re-review-hin. Ang kailangan ko na lang ayusin ay ang regalo ko kay Aiden. I just hope he likes it.

"That's your gift for him?" tanong ni Mommy.

Nandito ako ngayon sa aming rooftop at nagpe-paint. May mahinang jazz music din na tumutugtog sa aking maliit na bluetooth speaker.

Can't Help Falling In Love (Estella Series # 1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang