Chapter 31

20 3 6
                                    



Chapter 31

Not My Year

Ilang araw pa ang nakalipas at lumakas naman si Tito Arthur. Ang sabi ng doktor ay maaari na siyang maka-uwi ngayon ngunit patuloy pa rin siyang magt-theraphy. Ang resulta naman sa blood result ni Athira ay negative. Nang malaman ang balitang iyon ay gumaan ang pakiramdam ko.

"Thank God! Grabe iyong prayers ko nang mabalitaan ko ang nangyari kay Tito! Buti at maayos na siya at buti't hindi mo nakuha ang sakit na iyon!"

Malakas ang boses ni Angela. Magka-video call kami ngayon kasama si Ronan. Nandito naman ako sa bahay nila Athira dahil ang boring sa bahay.

Ang balita tungkol sa nangyari kay Tito ay umabot na sa malalayong lugar kahit sa ibang bansa dahil kilalang business tycoon si Tito. Mas dumbole na ang seguridad nila Tita dahil paniguradong maraming magtatangkang magpa-bagsak ng kompanya nila dahil vulnerable sila Tita ngayon. Patuloy naman sa pag-tulong sila Mommy kay Tita.

"Kamusta naman ang theraphy ni Tito?" tanong ni Ronan.

"Okay naman. Pero sabi ng doktor matagal-tagal pa bago matigil ang pagt-theraphy niya. I'm still praying na sana gumaling na siya. Pumayat kasi siya ng husto at madalas na mapagod," mahabang sabi niya. "Pinagbawalan na rin siya ng doktor magbabad sa trabaho. Hindi na nga siya pinagt-trabaho ni Mommy. Nag-aalala nga ako't baka si Mommy naman ang mapano sa stress."

"Naku! Patuloy nating ipagdasal iyan. Alam ko namang si Lord ang bahala sa inyo. Basta at patuloy tayong mag-tiwala."

Lumipas pa ang mga ilang araw at humupa naman ang pag-aalala ni Athira sa kaniyang mga magulang. Everyday, Tita and I would remind her that everything's gonna be fine. Hindi man sa ngayon pero darating ang araw at magiging okay din ang lahat.

"Mag-iingat kayo, Aiden. Tumawag lang kayo kung may biglaan kayong lakad," paalala ni Tita sa amin.

"Yes, Tita! Bye!" Paalam ko bago humalik sa kaniyang pisngi.

Unang araw na naman ng pasukan ngayon at kasabay ko si Athira sa pagpasok dala ang chevrolet ko. Kahapon ay panay ang iyak ni Angela dahil hindi na daw siya kasama sa araw-araw. Tinawanan namin iyon at inasar lang siya.

"Ang daming bagong muka ngayon. Feeling ko maraming transferees," ani Athira habang iginagala ang mata sa pasilyo.

Sasang-ayon na sana ako nang sumagi sa aking isip na paniguradong may bagong magkakagusto kay Athira. Paniguradong may bago na naman akong sasabihan na layuan siya! Lihim akong napa-irap.

"Pre! Athira! Long time no see!" Maligaya kaming binati ni Ronan nang magkita kami sa tambayan.

"Ulol! Akala mo naman ilang taon tayong 'di nag kita!"

Humagalpak ng tawa si Ronan. "Oh, Athira! Tumaba ka? Pareho na kayo ni Angela! Parehong botchog! Hahahahahahhaha!"

Piningot ni Athira ang tenga ni Ronan kaya humagalpak ako sa tawa nang makita ang sakit sa muka ni Ronan.

"Walang'ya ka! Isusumbong kita kay Angela!"

"Isumbong mo! As if namang may magagawa siya, e ang layo-layo niya sa akin," ngumuso siya ngunit ngumiwi ulit nang higpitan ni Athira ang hawak sa kaniyang tenga.

Patuloy naman ako sa pagtawa habang pinipicturan ang pangit na muka ni Ronan at sinend iyon sa aming group chat. Nag-selfie pa kami kung saan nakadila ako habang hawak pa rin ni Athira ang tena ni Ronan habang nakanguso. Si Ronan naman ay nakangiwi at mukang naiiyak na.

Can't Help Falling In Love (Estella Series # 1)Where stories live. Discover now