Chapter 11

26 2 0
                                    

Chapter 11

Titig

Aiden:

Can I go there?

Iyan ang reply ni Aiden matapos kong i-send sa kaniya ang selfie naming dalawa ni Totoy kung saan nakahalik pa siya sa pisngi ko.

Ako:

Noooope. Patapos na ih hehe :<

Tinago ko na ang phone ko at nagpatuloy sa pakikipag laro sa mga bata. Mommy's busy chatting with the other Moms while Daddy's talking to the Mayor.

"Kuya! Lapitan mo na kasi si Ate Athira! Mabait naman siya, e! Nakalaro ko siya kanina! Dali na! 'Di ba gusto mo siya?" I heard one of the children say. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Malapit sa stage ay nakita ko ang batang si Duday na may hinihilang lalaki.

"Duday, hindi pwede! Marami pa akong ginagwa doon. Ikaw na lang ang lumapit sa kaniya, okay?"

"Naku, Kuya! Nahihiya ka lang, e! Bahala ka nga diyan!"

Agad akong nag-iwas ng tingin nang lumingon dito sila Duday. Hearing these kinds of things is not new to me. Ngunit kahit lagi kong naririnig, hindi pa rin ako sanay. Parang hindi na nga ata ako masasanay.

Kinabukasan sa school ay si Darius kaagad ang bumungad sa akin sa room. Malaki ang ngiti niya at mukang maganda ang gising niya.

"Hi!" Kasabay no'n ang hiyawan ng mga kaklase ko.

"Hi..." I awkwardly smiled back. Lalong lumakas ang hiyawan.

Umirap ako ng palihim at dumiretso sa upuan ko. Iyon ang nangyari sa buong maghapon at sa sumunod pang mga araw. Kami ni Darius ang issue. Pansin ko rin ang hindi na paglapit ni Cedric. I don't even know if it's a good thing or not. Si Aiden, Ronan, at Angela naman ay naging busy sa practice ng basketball at volleyball. Malapit na kasi ang intrams at pinaghahandaan na nila 'yon.

"Feeling ko talaga mananalo tayo ngayong intrams," ani Angela habang kumakain ng tsitsirya. Nandito kami ngayon sa may bleachers at pinapanood sila Aiden mag practice. Sa tuwing break naman ng basketball team ay sila Angela na ang maglalaro.

"Tignan mo naman, araw-araw nagpa-praktis ang players natin. Nakaka-excite 'diba?" She giggled.

Totoo iyon. Araw-araw, pagkatapos ng klase ay naglalaro ang mga players namin. Sa aming magkakaibigan, ako lang ang hindi sporty. Angela's part of the volleyball team, si Aiden at Ronan naman ay sa basketball team. Ako? Ako ang dakilang cheerleader nila. Ako ang tiga-hiyaw, palakpak at tiga bigay ng tubig sa kanila. Pero okay lang iyon. Wala rin naman akong interes diyan sa mga sports na iyan.

"Aiden! Ang gwapo mo! Akin ka na lang please!" A girl not far from our seat shouted.

Aiden saluted and winked at her while running. Pumutok naman ata ang butsi nung babae dahil walang tigil na ito sa pagtili.

Umirap ako. "Landi, ah."

Hindi ko napigilan ang inis na naramdaman. Sige lang, Aiden. Lumandi ka lang.

"Sino? 'Yung babae o 'yung lalaki?"

Tamad kong tinignan si Angela. "Uuuy! Selos!"

Inirapan ko rin siya. "Pareho silang malandi, Angela. Pareho."

"Sino? Sinong malandi?" Halos napatalon naman ako sa gulat nang umupo sa tabi ko si Aiden. Hindi ko na napansin na tapos na pala ang practice nila.

"Ikaw daw, Aiden! Malandi ka daw sabi ni Athira!" Natatawang sabi ni Angela bago tumakbo pababa ng bleachers.

Pumikit ako ng mariin sa kadaldalan ng babaeng iyon. Napadilat naman ako nang maramdman kong tinulak ako ni Aiden gamit ang kaniyang balikat.

Can't Help Falling In Love (Estella Series # 1)Where stories live. Discover now