Chapter 23

12 2 6
                                    

Chapter 23

Pool

Gulong gulo ako sa sinabi ni Darius. What? Or even what? Matagal ko nang nararamdaman na may gusto siya sa akin pero hindi ko in-expect na aabot sa ganoon. And what about Aiden? He mentioned that he was always in the way? Why? Is it about the girl na pinag-awayan nila dati?

Sa pag-iisip ay hindi ko nasagot ang unang tawag ni Aiden. Gumawa na lamang ako ng dahilan at nag-text.

Athira:

We're in the middle of shooting. Call later.

Pagakatapos ay tinago ko ang aking telepono bago sinundan si Darius. Pagdating ko sa kanilang fountain ay nandoon na siya at halata pa rin ang inis sa muka. Kunot ang noo habang nakahalukipkip. Nang makita ako ay ngumiti siya sa akin.

"Andiyan na si Athira. Tara na at nang matapos na tayo."

Agad kaming pumwesto sa aming pwesto kanina. Kung kanina sa shooting ay maayos pa ako, ngayon ay hindi na. Parang may awkwardness na nakapagitan sa aming dalawa. Hindi lang pala parang, meron na talaga.

"Okay, action!"

Sa una ay nagtitigan muna kami, hanggang sa unti-unting naglapit ang aming muka.

"Darius..." muli kong binaggit.

Ngayong magkalapit kami, napansin kong itim ang kaniyang mga mata. It's the first time I've ever seen one. It was like looking straight into darkness. His eyes screams sadness and longing. Very different from Darius' personality. He's always known for being the goofy one. The loud, cheerful, and silly one. I suddenly wondered, who is he, really?

"Athira..." he whispered. Gaya nang nasa script, umasim ang muka ko at lumayo ako sa kaniya. Pero ang aking kinagulat ay hindi nagbago ang itsura ni Darius. The longing... it's still there.

Kumurap ako ng ilang beses. Pagkatapos ay tumayo at tumakikod sa kaniya bago naglakad palayo.

"Cut! Very nice! Isang scene na lang, tapos na! Ayusin na natin, huh?" ani ng natutuwang si Riezl.

Tinapos namin ang huling scene. Walang imikan sa aming dalawa ni Darius pwera na lang kung mag-uusap kami tungkol sa script, pagkatapos no'n, wala na. Natuwa ako nang pauwiin na kami ni Riezl. Silang dalawa na raw bahala ni Lyra sa editing kaya magpahinga na raw kami. Alas kuwatro ng hapon ay tinawagan ko si Aiden at tinanong kung nasaan na siya.

"Almost there, may dinaanan lang." Aniya.

"Okay," tangi kong naisagot.

Rinig ko pa ang mahinang musika sa background. Elvis Presley's can't help falling in love is playing.

"You okay?"

Bumuntong hininga ako. "Yup..."

"Really? You don't sound okay to me. We'll talk when I get there. Malapit na ako. Okay?"

Tumango ako kahit hindi niya ako nakikita. "Okay."

Pinatay ko ang tawag. Nang tumalikod ako para kuhanin ang aking mga gamit ay naabutan ko si Darius na nakapamulsa. Ngumiti siya nang magtama ang amin paningin.

"Uhhh..." he uttered. "I just want to apologize for what happened earlier. Sorry for shouting and cursing and all, nadala lang ako sa emosyon. But I just want you to know that all of it said was real. It's true. I like you, Athira. And I'm not sorry for that."

Can't Help Falling In Love (Estella Series # 1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum