Chapter 28

11 2 4
                                    

Chapter 28

Lunch

AIDEN'S POV

Gaya nang sinabi ni Athira, nakauwi sila noong thursday. Although hindi kami ganoong nagkausap dahil gabi na no'n at pagod na raw siya. It was fine for me. Okay nga iyon, e. She should get all the rest she needs dahil marami akong pinlanong gagawin namin bukas. We should go bowling. Binge watch our favorite tv series and more.

Aaminin ko. Sobrang pikon na pikon ako noong gabing dapat ay aamin ako sa kaniya. I was so pissed! Buong gabi ko inisip ang mga dapat kong sasabihin sa kaniya pero hindi ko nasabi! And because of what? Because of that stupid jerk and whoever he is with! Ang gagong iyon! Pakielamero! Just thinking about it makes my blood boil!

Ang tanging nagpapakalma lang sa akin sa tuwing iniisip ko iyon ay ang mangyayari bukas. Naisip ko iyon pagkatapos hindi matuloy ang dapat na pag amin ko sa kaniya. I just hope na wala nang istorbo. Makakapatay talaga ako.

Kaya kinabukasan ay maaga akong nagising. Naipagpaalam ko na si Athira na baka gumala pa kami at ma-late kami ng uwi. At siyempre, dahil ako ang pinakapaborito ng kaniyang mga magulang, pumayag sila.

I was answering the forms the school needed para maka-pag-enroll nang may biglang binati si Athira.

"Uy, Sofia!"

Nilingon ko agad iyon. Siya na naman? Iyong clumsy na babae na nakatapon ng beer sa damit ko at ang babaeng nanira ng gabi namin ni Athira. Who the hell is this girl? Saan ba sila nagkakilala ni Athira? I hope she's not here to ruin my day. Dahil baka isunod ko ang pangalan niya kay Darius sa listahan ng mga taong pinaka ayaw ko.

"Nakabili na kayo ng mga libro?"

"Hindi pa. Ngayon pa lang. Ikaw ba nakabili na?"

"Hindi pa din, e. Ngayon pa lang din. Pwede bang sabay na tayo? Hindi ko kasi alam kung saan ang library dito, e."

"Sure! Samahan ka na namin! Gusto mo i-tour ka na rin namin dito?"

Oh no! You didn't say that!

"Huh? Naku, baka maabala pa ako! May kasama ka pa naman. Baka may plano pa kayo?"

Oo, tama. May plano pa kami.

"Aiden, ano? May pupuntahan ka pa ba after? Kung meron ako na lang ang magt-tour kay Sofia," Athira turned to me with her angelic smile and innocent eyes.

Holy mercy. Don't look at me like that. One look and my heart's beating fast like crazy!

"W-wala naman."

Kahit ako'y nagulat sa aking sinabi. Damn it, Aiden! You're supposed to say no!

Kaya naman habang nililibot namin ang school na kinalakihan ko na ay naka busangot ang muka ko. Kung gusto pala niya ng tour sa school, sana ay naghanap siya ng tour guide! O kaya naman kay Kuya Guard!

"This is where my friends and I usually eat. Ito ang favorite spot namin. Presko kasi dito at hindi ganoong natatapatan ng araw."

"Talaga? Wait... marami ka bang friends? Siguro madami 'no! Paniguradong sikat ka dito!"

"Huy, hindi a! Onti lang ang tunay kong friends dito. Si Aiden, Ronan, at Angela. Though, lumipat na ng ibang school si Angela kaya tatlo na lang kami."

Lihim akong napairap ng nagsimula silang magusap ng kung ano-ano. Dapat ay nasa MOA na kami at nagb-bowling! Alam ko namang sobrang hilig ni Athira sa bowling. Pagkatapos ng bowling ay pupunta kaming museum dahil mahal niya ang art! Pero nandito kami sa canteen at pinaguusapan ang mga naging ganap dito sa school!

Can't Help Falling In Love (Estella Series # 1)Where stories live. Discover now