Chapter 17

24 3 1
                                    

Chapter 17

Pray

ATHIRA'S POV

For the past few days, Darius and I became friends. And I can see that Aiden seems to hate the idea. Ewan ko ba riyan, laging kumukunot ang noo sa tuwing makikita si Darius. Kung totoong may gusto sa akin 'yan, iisipin ko talagang nagseselos 'yan, e. Tss.

"May dinner tayo kasama sina Mayor Ramos sa Sabado. I'm just telling you in case na umalis kayo ulit ni Aiden," mommy told me as she wipe her mouth with a table napkin.

"Wala naman kaming plans, Mommy."

Siguro dahil lagi akong inaaya ni Aiden sa mga dates niya every weekends, nasanay na sila Mommy na may lakad kami. Sa lahat ng mga kaibigan ko, si Aiden lang ang pinaka pinagkakatiwalaan nila. Sus, favorite. Mas paborito pa ata nga nila si Aiden kaysa sa akin. Hmp!

"Wala ka namang gala sa Saturday, 'no? Hindi ako pwede no'n. May dinner kami nila Mommy," sabi ko kay Aiden at kumagat sa hawak niyang burger.

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Dinner daw," pagpaparinig niya.

Kumunot ang noo ko at kinurot ang braso niya. "E, dinner naman talaga! Ano bang akala mo?"

"Baka dinner with Darius." aniya at umiwas ng tingin.

Tumaas ang kilay ko. Woah! Aiden? Siya ba talaga 'to? Wow ha! Bakit mukang nagseselos ka? Dapat na ba akong umasa?

"Ano naman kung makipag dinner ako sa kaniya?" sinubukan ko siyang asarin.

Inis niya akong tinignan. Hindi ko naitago ang ngisi ko at kung hindi ko pinipigilan ang sarili ko, baka nabasag na ang mga bintana sa sobrang kilig ko.

Nanatili ang tingin niya sa akin ng ilang sandali. I almost find it weird kung hindi lang siya tumikhim at umiwas ng tingin.

"E 'di, makipag dinner ka! I'm just... warning you! Kung saktan ka ni Darius, huwag kang iiyak sa akin, a?"

Ngumuso ako. Medyo disappointed sa sinabi niya. I was expecting him to say na huwag akong makipagdinner kay Darius dahil ayaw niya doon o kaya naman ay dahil bad boy si Darius.

Kainis.

"Sus! Makita mo lang ako umiyak, e handa kang ipasuyod ang buong mundo mahanap lang ang nanakit sa akin!" Pangaasar ko.

Bwisit ka, Aiden. Paasa ka talaga.

"Siyempre, ipapahanap ko talaga siya! Para makipag-apir dahil good job ang ginawa niya. Hahanapin ko siya para masabi kung gaano ako ka-proud sa- Aray!"

Bago pa niya matapos ang saaabihin niya ay piningot ko na ang tenga niya at kinulong ang ulo niya sa kilikili ko.

"Ano 'yon, Aiden? May sinasabi ka?"

"W-wala, Athira! Wala po! Masakit!"

Nang mag vacant kami ay dumiretso ako sa library. I don't know where Aiden is. Paniguradong kasama niya sina Ronan. Kasama ko naman si Angela dahil tatapusin niya na raw ang binabasa niyang nobela.

"Wait lang, Athira, ah? CR lang ako." nagmamadali niyang sinabi bago iniwan ang libro sa lamesa. Hindi pa nga ako nakaka-oo.

Bumuntong hininga na lang ako at magpatuloy sa pagbabasa ng lesson para sa next subject. I was busy reading some lines when I feel someone sit in front of me. Hindi ko na sana papansin iyon dahil alam kong si Angela lang iyon pero nagtaka ako dahil parang sobrang bilis naman niya ata?

Inangat ko ang ulo ko at natagpuan ko si Darius na nakapatong ang baba sa kanang kamay habang naka ngiti ng malaki.

Kusang tumaas ang kanang kilay ko. He chuckled on that move.

Can't Help Falling In Love (Estella Series # 1)Where stories live. Discover now