Chapter 39

17 2 1
                                    


Chapter 39

Tie The Knot

Nagsimula ang buwan ng Agosto. Katulad ng mga nakaraang buwan, sobrang stressful nito. Dumating pa sa punto na hindi ko na alam ang gagawin ko.

I feel so drained. I feel so tired and exhausted. Pagod na ako physically, mentally, and emotionally. Parang gusto ko na lang mag-drop out at matulog habang buhay.

Every night, I'd cry myself to sleep. School makes me feels so weak at isabay pa ang drama ko kay Aiden.

This is why studies should be my first priority. Dahil sa feelings ko para kay Aiden, unti-unti akong nadi-distract.

Madalas rin akong mawalan ng gana. The only thing that kept me going was Mom and Dad. Lagi kong iniisip ang mga pangarap nila sa akin. All their hard works for this family. And as much as I hate to admit it, malaking tulong rin sa akin ang mga texts ni Darius.

Every day and every night, he would send me inspiring messages from different people. Katulad ngayong gabi, nag send ulit siya.

Darius:

Reminder: You are strong. You are capable. You are enough. More than enough.
Keep going, Athira! You did not come this far just to come this far! <3

Napangiti ako ng bahagya. I turned off my phone and forced myself to sleep. These past few nights, nahihirapan akong matulog. I spent my nights thinking and crying. Nakakapagod kasi ang month na ito.

I know I should stop crying and move on. Pero hindi kasi ako sanay sa ganito, e. Times like this si Aiden ang unang takbuhan ko. Paano naman ngayong siya ang dahilan ng pagtakbo ko?

Kaya tuwing umiiyak ako sa gabi, nagdarasal ako. Lagi akong nanghihingi ng lakas. Ilang beses ko na ring hiniling na sana mawala na ang bigat sa aking dibdib. Pero sa pagdaan ng nga araw, lalo lamang itong bumigat.

"Athira..." Isang araw ay nilapitan ako ni Sofia.

Nasa library ako dahil vacant namin. Sila Aiden naman ay nasa court at naglalaro. Si Sofia ay dapat nasa meeting ng student council pero dahil nandito na siya, siguro ay tapos na.

"Hmmm?" Mahinang sagot ko.

Nag-iwas siya ng tingin agad. Muka siyang hindi mapakali. Bubuka ang bibig pagkatapos ay isasara na para bang nag-aalinlangan.

Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "Anong meron?"

Sa huli ay bumuntong hininga siya. Pinikit pa ng mariin ang mga mata at lumunok. Pagkadilat niya ay hinawakan niya ang pareho kong mga kamay.

"A-Athira... huwag k-kang magagalit, a?"

Mas lalong kumunot ang noo ko. Ano bang nangyayari? May dapat bang ikagalit?

"Huh? Bakit? Anong meron?"

"E, kasi..." she paused for a second before continuing. "Aiden talked to me earlier... s-sabi niya... g-gusto niya raw m-manligaw..."

Ingat na ingat niyang sinabi.

Oo, Athira. May dapat kang ikagalit. Dapat magalit ka kay Sofia dahil siya ang gusto ng taong mahal mo. Dapat magalit ka kay Aiden dahil... ginagago niya ang feelings mo. Dapat kang magalit.

Hindi mo magawa, 'di ba? Ang hirap, ano? Lalo na kapag hindi mo iyon ugali.

"L-liligawan ka na raw niya?"

Can't Help Falling In Love (Estella Series # 1)Where stories live. Discover now