Chapter 18

25 3 5
                                    

Chapter 18

Teach

Mabilis lumipas ang panahon. Tama ang hinala ni Angela, we won almost every game sa Intramurals. Hakot na hakot. Sa badminton girls lang kami nag second place then the rest, panalo.

"I still can't believe that I'm the most valuable player! Can you baelieve it?!" Hindi makapaniwalang tili ni Angela at naiiyak na niyakap ang natanggap na trophy.

Angela won the most valuable player for the first time. However, Aiden won his for the fifth time, I think. Si Ronan naman ang umakyat sa stage nang tawagin ang mga nanalo sa Badminton. Kasali rin kasi siya sa badminton bukod sa basketball. Champion rin kami sa badminton and basketball.

"You deserve it, Gela. Ano? Libre mo, huh? Kahit kubo lang!" natatawa kong suhestyon.

"Sige ba! Ihhh! Grabe talaga! I'm so proud of me!" natawa na lang ako dahil paulit-ulit niyang pinalo si Ronan sa braso.

"Congrats, AC! Panalo ka na naman!" Aiden jokingly bumped my shoulder before head locking me with his arms.

Yup, I also won. I won sa chess and guess what kung sino ang nakalaban ko sa finals? Walang iba kundi si Jana. Ayun, kumulo na naman ang dugo sa akin. Baka nga siya na ang Princess II ng buhay ko. Tinigilan na nga ako ng babaeng iyon, e. Tsk.

"You won too! You also deserve a head lock!" Sabi ko habang stuck pa rin sa kili-kili niya. "Let me go! Ang baho ng kili-kili mo!"

Instead of letting me go, mas lalo niyang diniinan. "Kapal, ah! Mabaho talaga? Amoyin mo nga ulit!"

Natawa na lang ako at pilit tinanggal ang ulo sa kaniyang braso.

Mabilis din lumipas ang oras. Pagkatapos ng Intramurals, lessons na naman. Malapit na rin ang examinations at pagkatapos no'n, sembreak na. At hindi lang, 'yon, malapit na rin ang birthday ni Aiden!

Three weeks pa naman bago ang birthday niya, pero nas-stress na ako dahil hindi ko alam ang ire-regalo ko sa kaniya. Ano ba naman ang ire-regalo ko sa kaniya, e nasa kaniya na ang lahat?

"I'm planning to give Aiden five box of condoms. You think he'll like it?"

Napasinghap ako sa diretsang tanong ni Angela. "Angela!"

She laughed at my shock face. "What? He's of age now! Baka nga hindi na iyon virgin! Don't play innocent, Athira." She said, still laughing.

Bumuntong hininga na lang ako at umiling.

"E, ikaw? Ano regalo mo?"

Ngumuso ako. "Still haven't think of anything. 'Wag na lang kaya ako magbigay?"

Inirapan niya ako. "Are you kidding me?"

"Well, what am I supposed to give him? He's got everything!"

"Anything! I'm sure magugustuhan niya iyon kung ano man ang ibibigay mo. Oh! Why don't you draw him something?"

I considered Angela's suggestion. Pwede rin iyon. Pero ano namang ida-drawing ko? Bumuntong hininga ako. Bahala na. I still got three weeks to think about it.

Naging busy kaming lahat sa studies. Puro recitations and quizzes ang naganap kaya nakatulong na rin ito sa akin ma-review ang mga e-exam-in.

One afternoon in the library, nilapitan ako ni Darius. Akala ko mangungulit lang siya pero nilapitan niya ako para magpaturo sa science.

Nagulat ako doon. Darius Evans nagpaturo sa science? Kailan pa siya nag-aral?

I don't mean to offend him pero he's the balewala type of guy for me. Hindi siya studious. Mas gusto niyang natutulog sa klase kaysa makinig. He also loves basketball than studying. Kaya talagang nakakagulat iyon.

Can't Help Falling In Love (Estella Series # 1)Where stories live. Discover now