Chapter 15

25 2 9
                                    

Chapter 15

Jealous

AIDEN'S POV

When she smiled at Darius, I felt the green monster crawl up to my system. Nanuot ang selos at galit sa akin lalo na nung samahan niya pa ito ng tawa na tila ba tuwang-tuwa siya sa mga pinaguusapan nila.

"Pre, hinay. Kung nakakamatay ang titig, paglalamayan na sila bukas," narinig ko ang marahang tawa ni Ronan.

Sa kaniya ko tinuon ang masamang tingin na nagpatawa sa kaniya lalo.

Bata pa lang, alam ko na ang nararamdaman ko para kay Athira. Noong una, I thought I liked her because of her looks and how she works hard to get what she wants. Pero kalaunan, alam kong higit pa doon. Alam kong hindi lang iyon.

"Alam mo ba ang larong ito? Habulan 'to, habulan! Ibig sabihin kapag ikaw ang taya, hahabulin mo kami. Kapag nahawakan mo ang isa sa amin, siya na ang taya!"

Naala ko noong una ko siyang nakilala. Ilang taon ako noon? Walo? Siyam? Pero alam kong crush ko siya noon. Alam ko ang ibig sabihin ng crush dahil sa mga pinsan kong lalaki. Hinahangaan mo daw ang isang tao o 'di kaya'y may gusto ka sa kaniya.

But I'm not sure if I like her or hinahangaan ko lang siya.

She's pretty. Mapula ang labi at pisngi. Mahaba ang pilikmata at mapungay ang tsokolateng mga mata. Mapula ang makapal na labi. Sinong hindi magkakagusto diyan?

Nang madapa siya at nakita ko ang mumunting gasgas sa kaniyang tuhod ay nagmadali akong lumapit. Ang sabi ni Kuya Dean - pinsan ko, para mawala daw ang sakit, kailangang halikan. Tsaka, ganun din ang ginagawa ni Daddy kapag nasasaktan si Mommy.

Nadismaya ako nang iuwi na siya na siya ng yaya niya sa kanilang bahay. Hindi ko pa nga kinain ang dinner namin noon dahil sa sobrang lungkot ko at baka hindi ko na siya makita.

"Aiden, why do you look so sad? Is there something wrong?" tanong ni Mommy.

Yumuko ako. "I met a beautiful girl today, Mommy. I really like her but I think I won't see her again."

I heard Mommy gasp and I heard Daddy chuckle.

"My baby boy's not a baby anymore! Oh my gosh, Jericho!"

Kaya naman laking tuwa ko nang muli ko siyang masilayan sa bahay na pinuntahan namin dahil sa isang event. Malapit lang siya sa bahay namin! Bakit hindi ko alam iyon! Pwede ko pa siyang makita ulit!

Pero mas lalo naman akong natuwa nang malaman ko na sa school din siya maga-aral! Araw-araw ko na siyang makikita!

"Athira! Paturo naman sa math, o!"

I remember myself asking her if she could teach me the lessons in some subjects that I pretend to not understand para lang makausap ko pa siya. She is always kind enough to say yes at doon, lalo kaming naging close.

I thought I only liked her, pero no'ng tumagal, pakiramdam ko iba na. Parang iba na siya sa dati. I think it was more intense. More heavy and more deep.

Akala ko rin, gusto ko lang siya noong bata ako, but hell! I'm gonna turn eighteen next month and I still feel the same but with heavier and deeper feeling!

I tried telling it to her, pero every time I try, pinangungunahan ako ng takot. What if hindi niya ako gusto? What if she doesn't feel the same? What about our friendship? What will happen to us? Kaya imbes na sabihin ko, sinarili ko na lang.

But what if she feels the same way too? Paano kapag pareho naming gusto ang isa't-isa? Pero paano kung hindi mag work? Paano kung mag-away kami at maghiwalay? I don't wanna risk it. Mas pipiliin kong hanggang best friend na lang kami.

"I have a question," she asked one sunday afternoon. "Kapag ba mahal mo ang isang tao... dapat may dahilan?"

Natigil ako pansamantala sa sagot na iyon. A question suddenly popped in my head: "Why do I like you, Athira?" no scratch that. The question should be: "Why do I love you?"

Bakit nga ba mahal kita? Anong dahilan?

Sa tingin ko naman wala, e. Athira is smart, pretty, kind, loving, caring. She's the whole package. Lahat nasa kaniya na. But I don't wanna love her just because she's smart, pretty, kind or whatever people call her to be. Because what if one day, she's no longer kind? Ibig sabihin ba hindi ko na siya mahal?

"I love you with no reason," hindi ko alam kung namalikmata ba ako o nakita ko talaga ang saya sa mga mata niya. Hindi ito tulad ng ibang saya. Ito 'yong totoong saya niya talaga.

"I mean, I love you as a friend and I loved you with no reason. I just did. Kasi paano kung nawala na 'yong rason kung bakit kita minahal? Ibig sabihin hindi na rin kita mahal?"

But like a wind, the happiness fade and the sad remained. Parang tila nawalan ng buhay ang mga mata niya. Parang nawalan ng ganang numingning ang tsokolate niyang mata. She looked disappointed.

I don't know what's that look for. Para saan iyon? Bakit ka nalungkot? Hindi ba dapat mahalin talaga kita bilang best friend? Kaya bakit muka kang dismayado?

To distract myself from her, I dated different girls. Pero sino bang niloloko ko? E, sa tuwing nakikipag date ako lagi ko siyang sinasama? I don't know. Siya kasi ang kasama ko sa pag gawa ng first everything ko, hindi ako sanay na hindi siya kasama kahit sa mga dates ko.

Noong una, sabi ko, tatanggapin ko kung may makikita siyang lalaking gusto niya. Kung saan siya masaya, doon ako. Pero, tangina! Mahirap pala! Mahirap pala siyang makitang may kasamang ibang lalaki.

Seeing her now laughing with Darius makes me want to punch him! Or maybe even kill him! Anong meron sa kanila? Gusto ba ni Athira si Darius? Didn't I told her to stay away from him!

"Athira!" I called her with a deep and dark voice. Desperadong makuha ang atensyin niya.

"Paturo naman ako, o?" wala akong naisip na ibang dahilan.

Kumunot ng bahagya ang kaniyang noo. "Huh? Saan?"

"Sa Calculus. May hindi ako maintindihan."

"Huh? E, kanina ko lang tinuro 'yon, a?"

Ngumuso ako at kinamot ang batok. "E, nakalimutan ko ulit, e."

Umirap si Athira ngunit hindi rin nakatakas ang ngiti si labi. Tumayo siya at magpaalam kay Darius.

"Tara, Aiden."

Pagtalikod ni Athira ay sinamaan ko ng tingin si Darius. He smirked at me and shrugged. Pakiramdam ko naman ay nagising ang inner demon ko. Parang ang sarap pumatay ngayon, a? Try ko nga kay Darius.

"Aiden, bilis!"

Lalapit na sana ako nang tawagin ako ni Athira. Mamaya ka na, Darius. Tawag ako ng Athira ko.

Can't Help Falling In Love (Estella Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon