Chapter 46

15 1 1
                                    


Chapter 46

Kiss

"Sayang talaga. Hindi ka kasama sa papunta roon," malungkot kong saad habang kaharap si Sofia sa telepono.

"Okay lang 'yon! Susunod naman ako, e. Hindi rin naman namin kasi pwedeng ma-miss ang birthday ng daddy ni Darius."

Fortunately, pumayag sila Mommy. Aiden told everyone that they broke up and he finally realized that he didn't love Sofia. Of course, it was scripted. Tumulong pa nga si Sofia sa paggawa noon.

Mommy was so excited when I told her na pupunta kaming dalawa ni Aiden sa Cebu. Ang hindi niya alam, kasama si Sofia. Baka nga sumunod pa sina Ronan at Darius after ng laban nila.

Pero hindi namin makakasama si Sofia sa pagpuntang Cebu. Birthday pala ng Daddy ni Darius ng araw ng alis namin. Dapat talaga ay hihintayin na lang namin siya, pero Mommy was too excited about the trip kaya siya na mismo ang nag-book ng ticket naming dalawa ni Aiden.

"E, si Angela? Okay lang daw sa kaniya?"

"Oo naman! Excited pa nga, e! Buti nga daw may event din sa school nila kaya baka masamahan niya tayo sa ibang trips natin."

Si Angela naman ay tuwang-tuwa rin. She even invited us na sa kanila na lang kami mag-stay since kilala naman kami ng parents niya. Siyempre tinanggihan namin iyon dahil nakakahiya. Bukod pa roon, hindi rin kami makakapag stay ng matagal sa bahay nila since ang purpose ng trip na ito ay ang mag-unwind.

"Basta, pre, susunod ako after ng game. Hilingin niyo na lang na matalo kami para mga dalawang araw lang." Natatawang biro ni Ronan.

"Ulol! Gago ka pala, e! Huwag ka na lang sumali kung ipapatalo mo rin." Sabat ni Aiden.

"Joke lang, pre!" Tumatawa pa ang walang hiya.

Hindi sumali si Aiden sa Bulprisa. Mas nag-focus siya ngayon sa studies niya. Although kaya naman niyang pagsabayin ang sports at studies, mas pinili niyang isa na lamang ang atupagin.

"Mag-ingat kayo roon, Aiden. Take care of my Athira. Pinagkakatiwalaan kita."

Tumango si Aiden at inabot ang bag ko mula sa aking pagkakahawak. "Makakasa ka po, Tito. I'll nake sure to update you every time and then."

Tumango si daddy at nilingon ako. Puno ng pagaalala ang kaniyang mga mata. I smiled and hugged him. Niyakap niya ako pabalik.

"You should go na. Baka maiwan pa kayo ng eroplano."

Magulo kaming dalawa ni Aiden sa biyahe patungong airport. Hinatid kami ni Manog Albert at malakas ang tugtog sa sasakyan. Taylor Swift's song echoed the whole car. We were dancing and singing to the song at minsa'y nakikisabay pa si Manong Albert.

Sobra ang tuwa ko noong mga panahong iyon. Pakiramdam ko bumabalik kami sa kung ano man kami dati. Ano ba kami ngayon? Best friends pa rin naman, Athira, a? But why do I feel like everything's changing?

"Athira, wake up. Nandito na tayo."

Nagising ako sa mahinang tapik ni Aiden sa aking pisngi. Nilibot ko ang aking paningin at naabutan ang lahat na kinukuha na ang kanilang mga bagahe. Umayos agad ako ng upo at na-conscious sa itsura.

"Bakit ngayon mo lang ako ginising?" May halong inis sa aking tono.

Aiden smirked. "Kanina pa kita ginigising kaso naghihilik ka pa. Sarap ng tulog mo, nananaginip ka pa nga ata."

Pinalo ko ang kaniyang braso na tinawanan lamang niya. Tinulungan niya ako sa pagbitbit ng bag. Apat na araw lamang kaming mananatili rito. Isang maleta at back pack ang dala ko at ganon din si Aiden.

Can't Help Falling In Love (Estella Series # 1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن