Chapter 45

9 0 0
                                    

note: i did not proofread :p

Chapter 45

Plan

Hindi ko na-imagine ang sarili kong rumerebelde kila Mommy. I lived my life by their rules. I always know that they only want what's best for me kaya nila ginagawa ang mga bagay na ito. But Aiden's not best for me. Sadly, this isn't what's best for me.

Hindi ko naisip na darating ako sa ganito. Hindi ko naisip na masasagot ko ang pamilya ko.

"Why do you want to push this so much, Mom? We are not in love with each other!"

Nakita nila Mommy ang pictures and videos sa social media. Apparently, may mga reporters din na nagpunta sa kompanya upang magtanong about sa mga pictures and videos.

Naisip ko na ito. Naisip ko na lahat ng sasabihin ko ngunit hindi ko alam kung saan patungo ito.

"Oh, Athira! What do you know about love? Bata pa kayo at hindi niyo pa alam ang mga nararamdaman niyo! Maniwala kayo sa amin. We are your parents! We know what's best for you!"

Hindi ako makapagsalita sa dami ng emosyong nararamdaman. We weren't totally shouting. Dinig lamang talaga ang inis sa aming mga boses. Sa gilid ko ay si Aiden, hawak ang kaniyang sentido, tila sobrang namo-mroblema sa nangyayari. Paano na sila ni Sofia?

Hindi ko maintindihan kung bakit hindi kami maintindihan nila Mommy. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa ng ganito. We can help each other's businesses naman without the marriage!

Ah! Oo nga pala. Kasalanan mo ang lahat ng ito, Athira. If only you didn't fell for him hindi mangyayari ang lahat ng ito.

"You are breaking up with that girl, Aiden." Lalong nanlaki ang mata ko nang magsalita si Tito.

"Ayoko, Dad," may tapang sa kaniyang boses.

Hindi rin ako papayag. This is too much! Kakasimula pa lang nila! Break na agad?

"You are breaking up with her! That's final! Matutuloy ang kasal niyo ni Athira. Your engagement party will be moved."

"Teka, wala naman sa usapan 'yan. When Athira turns eighteen, tsaka pa lamang magkakaroon ng party." Singit ni Daddy.

"Bakit patatagalin pa, Arthuro? Ganoon din naman iyon. Ikakasal pa rin naman sila kapag nasa tamang edad na si Athira."

Hindi makapaniwala akong nakatingin sa mga magulabg sa harap ko. Paano nila nagagawa ito? Paano nila naisip ito? Hindi ko ito kailanman naisip sa mga magulang ko. Alam ko kung gaano kahalaga para sa kanila ang business pero ito? Hindi ko ito matanggap.

"Wala pong kasal na mangyayari. May mahal po akong iba. I hope you all understand that."

Kumirot ang dibdib ko sa sinabi ni Aiden. Nagbadya ang luha sa mga mata. Hindi ko rin alam kung bakit ako naiiyak. Dahil ba sa mga sinabi niya o dahil sa nangyayari. Siguro dahil sa lahat. Sa mga sinabi niya at sa mga nangyayari. Pagod na ako.

Muntik na akong mapatalon nang hampasin ni Tito ang lamesa. Galit ang kaniyang mga mata at tutok iyon kay Aiden. I've never seen him this mad before. Lagi siyang nakangiti at mala-anghel ang muka sa tuwing nakikita ko siya. Ngayon, para na siyang isang demonyo.

"Don't try me, Aiden. Kilala ko ang pamilya Ramos. I could throw them out of here in just a snap! Huwag mo akong sinusubukan," banta ni Tito.

Kinuyom ni Aiden ang kaniyang mga kamay. Kita ko ang pagguhit ng ugat sa likod ng kaniyang palad. Bumilis ang kaniyang paghinga. Ramdam ko ang kinikimkim niyang galit.

Lumapit ako para sana pakalmahin siya ngunit natigil nang magsalita siya.

"Fine." Aniya bago umalis ng bahay ng hindi lumilingon.

Can't Help Falling In Love (Estella Series # 1)Where stories live. Discover now