Chapter 12

25 2 6
                                    


Chapter 12

Business

Ayon sa kwento ni Angela, hindi raw ganoon ka-ganda ang ugali ni Jana. She even called her a bitch. Ilang relationships na daw ang nasira dahil sa kaniya. Meron pa nga daw na isang senior na halos hindi pumasok ng isang linggo dahil sa break up nila ng boyfriend niya. Reason ng break up? Jana. Ang sabi ilang beses dw nilandi ni Jana iyong boyfriend niya, at 'yong boyfriend naman nagpa-landi. Pareho silang may mali. Dapat, nung nalaman ni Jana na may girlfriend na 'yong guy, hindi na niya pinakialaman pa. Pwera na lang kung talaga ngang malandi siya.

Pero sa sitwasyon ngayon, ako ngayon ang matatawag na bitch. Of course, date itong dalawa ni Aiden at Jana tapos heto ako at "third wheel". Panira ng date nila.

Kahit na wala namang nagsabing bitch ako sa story nilang dalawa, kitang-kita naman sa muka ni Jana na bwisit siya sa akin.

"Seryoso? Dito tayo kakain?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "I-I mean it's.... it's good pero... dito talaga?"

"Bakit? Allergic ka ba sa mga seafoods?" Diretsong tanong ni Aiden.

Isa pa itong si Aiden, e. Pang-asar. Kasi naman, kanina pa siya kinakausap ni Jana imbes na sagutin ang mga tanong ni Jana ay lilingon muna siya sa akin na para bang nagtatanong kung totoo ba 'yong sinasabi ni Jana. Ilang beses ko na siyang kinurot but he seems oblivious.

Napairap ako sa tanong ni Aiden. Hindi ko alam kung paano nalaman ni Aiden na nagc-crave ako ng seafoods ngayon. Nakatayo kasi kami ngayon sa harap ng Seafood Island. Papasok na sana pero biglang nag-reklamo si Jana.

"Hindi naman..." Hindi niya natuloy ang sasabihin. Imbes ay lumingon siya sa akin at palihim akong inirapan.

"So okay lang sa'yo? Favorite kasi namin ni Athira ang seafoods, e." Kahit na halat sa muka ni Jana na nandidira siya, hindi pa rin iyong napapansin ni Aiden. Hindi ko alam kung napansin niya ba iyon o ayaw niya lang talaga pansinin.

Malandi na nga gago pa.

Nang tumango si Jana ay pumasok na kami sa loob at giniya naman kami ng isang crew sa isang lamesang pang-apat.

"Huwag kang mag-alala, it's my treat." Aiden showed off his malanding smile. In an instant, nagliwanag ang muka ni Jana. Hindi ko alam kung dahil ba nalaman niyang libre o dahil sa malanding smile ni Aiden.

Lihim akong napairap. Oh, how I hate that smile.

After ordering our food, Aiden excused himself to the comfort room. Ending, naiwan kaming dalawa ni Jana rito. I took out my phone from my sling bag at naisipang i-text si Mommy at Angela.

Athira:

We're at Seafood Island. Text ya later! :*

"Close talaga kayo ni Aiden?" natigil ang pagtipa ko ng text para kay Angela. Hindiko napigilang lumingon kay Jana. She's showing her beautiful and innocent smile. I don't want to be judgemental but I know that look.

Nasa sine pa lang kami, alam kong baka may mangyaring ganitong eksena. Iyong tipong aawayin niya ko kung sakaling maiiwan kaming dalawa. Tapos dadating si Aiden at bigla siyang titigil at magku-kunwaring mabait siya. Something like that. But I'm not wishing for it to happen, though. Iyon nga ang pinakaiiwasan kong mangyari ngayon. Mamaya ma-issue p ako sa school. Gawan niya akong chikang hindi naman totoo or something.

"Yup," maikli kong sagot. I didn't wanna be rude so I looked at her and smiled.

"Really? Close enough to ruin our date?" Kahit na malaki ang ngiti niya ay halata ang inis sa nakasarado niyang kamao.

Unconsciously, my eyebrow shot up. Ooops.

"Look, I'm trying hard not to be a bitch here, pero ang sama ng ugali mo." Madiin ang kaniyang pagkakasabi.

Can't Help Falling In Love (Estella Series # 1)Where stories live. Discover now