Chapter 3

42 2 0
                                    


Chapter 3

Certain

Nakapikit ako habang dinadama ang mabagal at madamdamin na tugtog galing sa isang piyesa ni Debussy. Ang Clair de Lune. Isa ito sa mga paborito kong piyesa niya. It's so relaxing and calming. Hindi ako magsasawang ulit-ulitin ito. Marahan kong ginalaw ang aking mga daliri at tinapos ang pagtugtog sa piano.

When I opened my eyes, nagtama ang tingin namin ni Aiden.

Agad akong nagiwas ng tingin. I felt a physical pain in my chest. The loud beating of my heart. Para bang umaabot ito sa aking lalamunan at ang hirap lumunok. Hindi ko talaga maiintindihan itong nararamdaman ko para sa kaniya. But I know, and I am certain, it will go away.

Bumuntong hininga si Aiden. "Damn. Ano pa ba ang hindi mo kayang gawin? You can play piano, violin, you can sing and dance, you can cook, you're smart, kind and pretty. Tell me, ano pang hindi mo alam?"

Umiling ako at inirapan si Aiden. Kinuha ko ang isang baso ng juice na nilapag ni Yaya Marlyn kanina. Pinangahalatian ko iyon.

"Kantahan mo naman ako, o," ngumisi siya sa akin.

Umirap ako at ngumisi rin. "Anong kanta?"

Bahagya siyang nagisip. Nakapalumbaba siya sa piano habang nakatigin pa sa itaas. Hindi ko naiwasang pasadahan ng tingin ang kaniyang features. Gwapo si Aiden, Halata rin ang foreign features niya dahil may lahi siyang Spanish. Ang paborito ko sigurong titigan sa parte ng kaniyang muka ay ang kilay. Dinaig pa kasi ako. 'Di hamak na mas makapal at maganda ang kilay niya sa akin.

"An Elvis Presley, please?"

Humalakhak ako. Elvis Presley is like his favorite singer. Ever! Halos ang mga nasa playlist niya ang mga kanta ni Elvis Presley.

"Okay."

I started hitting the notes of the very first song that came to my mind.

"Wise men say,

Only fools, rush in

But I can't help

Falling in love with you,"

Nilingon ko si Aiden. TItig na titig siya sa akin. Bahagyang nakataas ang gilid ng mga labi. Heto na naman ang naghuhuramentado kong puso. Tila gustong makawala sa makapangyarihan kong dibdib. Ang kaniyang titig ay nakakapanghina. Parang nawalan ng lakas ang mga daliri kong pindutin pa ang mga susunod na keys. Nakakakaba. Nakakahilo. Nakakakilig.

"Shall I stay

Would it be a sin?

If I can't help

Falling in love with you."

I'm not sure but I think I saw amusement in his eyes. Para itong kumikinang. Nagniningning.

Ayokong mag-assume pero sa tingin ko, may gusto rin sa akin si Aiden. Pero ayoko talagang mag-assume. Gaya nga ng sanabi ko, nakakamatay 'yon. Pero paano kung meron nga? Paano kung sa oras na magkagusto siya sa akin wala na akong gusto sa kaniya? Pero paano kung wala talaga? Paano kung hindi rin mawala ang nararamdaman ko sa kaniya? Paano kapag may iba pala talaga siyang gusto? But nothing lasts forever, right? My feelings will fade, right?

Maingay ulit ang naging lunch naming magkakaibigan kinabukasan. My circle of true friends consists of three; Aiden, Angela, and Ronan. When you have friends like them, hindi na matatahimik ang mundo mo. Honestly, I don't really like noise. Nakakairta. Pero sanay na ako sa kanila. Masaya naman silang kasama at komportble ako sa kanila.

"Punyeta! Sinong umutot?!" Galing sa tawa ay umasim ang muka ni Angela. Pinisil niya ang kaniyang ilong.

Huh? Wala naman akong naamoy?

Can't Help Falling In Love (Estella Series # 1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें