Chapter 4

24 2 1
                                    

Chapter 4

Crush

Our lunch was peaceful. Text ng text si Aiden pero no gadgets allowed kapag nas harap kami ng pagkain kaya hindi rin ako nakapag reply. Nakakabastos daw kasi kapag gadegets ang kaharap habang kumakain sabi ni Daddy.

After our lunch, we decided to buy new clothes for our trip on my birthday. Doon ako ginanahan. Who doesn't love shopping for new clothes?

Pumasok kami sa iba't-ibang kilalang brands ng mga damit at iba pa at doon naghanap. Nagniningning na ang mga mata ko. I want to but them all! Pero I know my limitations. Sure, my parents can buy them all for me, pero hindi ko aabusaduhin iyon. Hindi ko naman maisosusoot o magagamit lahat. But still... They all look so pretty!

"Let's buy some matching shirts," suhestyon ni Mommy habang tumitingin sa racks ng mga damit.

Bahagyaa akong natawa. "I didn't know you're into "matching clothes", Mom."

Tumawa rin si Daddy. "Oh, sure she is! When we were in highschool she always buy us couple shirts and forced me to wear it in public."

"Oh, I did not force you, Arthur! You gladly wore it! Tuwang tuwa ka pa nga kapag umaalis tayo at suot iyon. Kulang na lang ay isigaw mo na ako ang girlfriend mo." Umirap si Mommy pero hindi rin napigilan ang tawa.

Napailing ako. Oh, this oldies.

Hindi kami nakabili ng matching shirts. Wala kasi kaming nahanap na maganda. Magpapagawa na lang kami sa isang kilala ni Mommy na pagawaan ng shirts. Mas maganda daw doon dahil makakapili kami ng gusto namin at pwede pang customised. Kaya ang binili na lang namin ay summer wears. Hindi na ako nagulat nang maksalubong namin ang mga Rivera.

"What a small world! Are you here to buy clothes for our trip?" Tanong ni Mommy pagkatapos makipag beso.

"Yes, yes! Masiyado kaming na-excite! You know, it's our first trip na hindi tungkol sa business," si Tita. At nagusap pa sila na parang hindi kami magkasama kahapon.

Tinulak naman ako ni Aiden gamit ang balikat niya. Ganun din ang ginawa ko. Ginawa namin iyon paulit-ulit. Nang itulak niya ako ay tinulak ko rin siya. Kaso ay dahil malaks ang trip niya ay umusog siya palayo sa akin kaya hangin ang naitulak ko. Muntikan akong ma buwal pero hinawakan niya ang braso ko.

Pinalo ko siya sa braso. "Kainis ka!" Maarte kong sinabi.

Wala siyang ginawa kundi ang tumawa. Wala din akong ginawa kundi ang umirap.

"Athira..." Tawag sa akin ni Aiden habang nakatingin sa libro niya.

"Hmm?" Mahinang sagot ko.

"Pa'no 'to?" Nilingon ko ang tinuro niya sa kaniyang libro. Binasa ko ang problem bago itinuro sa kaniya.

Exam na namin sa Wednesday kaya todo aral kami ngayon. Kumpara sa ibang lunch namin ay tahimik ngayon. Alam nila na mabilis akong ma distract kapag maingay habang naga-aral. Buti nga at nai-impluwensiyahan sila kaya nagaaral din sila ngayon.

"Gets?" Mahinang tanong ko kay Aiden. Marahan itong tumango.

"Hindi ko talaga ma-gets 'yung sa Math! Ang daming arte! 'Di ko makabisado 'yung formula." Reklamo ni Angela.

"Hindi mo naman kailangang kabisaduhin. Intindihin mo," sabi ni Ronan.

"E, hindi ko nga ma gets!"

"Asan ba? Turo ko."

Lihim akong ngumiti. Buti at hindi sila katulad ng ibang nagca-cramming.

"Athira," tawag sa akin ng kaklase kong si Cedric habang nagaayos ako ng locker.

Can't Help Falling In Love (Estella Series # 1)Where stories live. Discover now