Chapter 43

15 0 0
                                    


Chapter 43

Lilipas Din

"Sis! Nabalitaan mo ba? Ikakasal na raw si Aiden at Athira!"

"Oo nabasa ko kagabi! E, 'di ba nililigawan ni Aiden si Sofia? Paano na 'yon? Totoo ba talagang nanliligaw siya?"

"Sus! Siyempre ilusyon lang ni Sofia iyon! Simula pa lang no'ng una alam naman nating si Aiden at Athira talaga ang end game."

"Shhh! Nandiyan na sila Athira!"

I chose to walk with my stoic face and to ignore every single person talking about the wedding. Meanwhile, Sofia is beside me walking with her head down.

Isinukbit ko ang aking braso sa kaniya.

"Don't mind them," bulong ko.

Nang makarating kami sa room, natigil sila sa bulungan. Sabay-sabay silang lumingon sa amin at nagiwas ng tingin. I felt Sofia's hold tightened. Bumuntong hininga ako at hinila siya sa upuan ni Aiden.

"Bakit magkasama pa rin sila? Hindi ba dapat magalit si Athira kay Sofia? Nangaagaw ng soon-to-be-husband niya?"

"Shhh! Huwag ka ngang tsismosa! Dami mong sinasabi, e hindi mo naman alam ang nangyayari."

The reporters released the news yesterday. Hindi lang sa social medias at ineternet kundi pati na rin sa mga magazines and newspapers. Usap-usapan iyon sa school. At kahit na napag-usapan na namin ni Sofia ang maaaring mangyari, hindi pa rin niya maiwasan ang mahiya at malungkot.

Aiden wasn't taking it lightly. Muntik niyang sugurin ang mga taong pinag-uusapan si Sofia. He was fuming mad. Kundi lang napigilan ay baka nasugod na niya ang mga iyon. Ronan took him somewhere to calm his anger. Hindi ko nga lang alam kung saan.

"Huwag mo na lang pansinin ang mga taong iyan... masiyado lang talagang boring ang mga buhay nila kaya ito ang pinagkaka-abalahan nila," bulong kong muli.

Pumikit siya ng mariin. She whispered something na hindi ko narinig. Bumuntong hininga ako.

"Hey, I know it's hard... pero huwag kang magpapatinag. Aiden's feelings for you are real. Maniwala ka lang sa akin at sa kaniya. Iyon lang naman ang importante, 'di ba?"

Tumango siya. She smiled weakly. Hindi ko ma-imagine ang hirap na nararamdaman niya ngayon. No boyfriend since birth si Sofia. Marami daw nanligaw sa kaniya pero never siyang nag-entertain. Kahit sa noong first week of school ay maraming lumapit sa kaniya at nagtangkang manligaw pero hindi niya pinagbigyan.

Si Aiden ang pinakauna. Kaya paniguradong ibang-iba ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

"Totoo ba? Ikakasal na raw kayo ni Aiden?"

Angela asked nang mag-video call kami. Tumango ako at nagpatuloy sa pagsulat ng aking homework.

"Gaga ka! Bakit hindi mo sinabi? Kailan daw?"

"Arranged marriage, Angela. Hindi namin gusto. Hindi naman matutuloy," paliwanag ko.

"Seryoso? Ginawa nila Tita 'yon? E, paano sila ni Sofia? Akala ko ba nagliligawan ang dalawang iyon?"

"Sinabi na namin kay Sofia bago pa lamang kumalat ang balita. Naiintindihan naman niya. Tsaka, hindi naman natigil si Aiden sa panliligaw."

"E, ikaw? Paano ka? Matagal mo nang gusto si Aiden, a?"

Natigilan ako sa pagsusulat. Ngumuso ako at nilingon si Angela. Nakahiga siya sa kaniyang kama. Nakapatong ang ulo sa kamay at nakataas ang isang kilay.

"Wala naman akong magagawa..." nag-iwas ako ng tingin.

"Sus, Athira! Gusto kitang puntahan diyan tapos hihilahin ko talaga 'yang buhok mo! Bakit kasi hindi ka na lang umamin?"

Can't Help Falling In Love (Estella Series # 1)Where stories live. Discover now