Chapter 10

28 2 2
                                    

Chapter 10

Happiness

For the past years I've had anything under control. Everything went well. My studies. I've always been at the top. They always picked me as their leader. Naisip ko tuloy na maybe, I'm a trustworthy. I can always find answers to problems that needs to be solved.

But now... anong nangyari?

I put down my pencil and stared at the moon. The moon knows my secrets. Ang buwan ang saksi ng mga drama ko.

Moon, why him?

Bakit best friend ko pa? Pwede namang kahit si Darius na lang. Tanggap ko pa kahit sira ulo iyon. Pero bakit si Aiden pa? I hope na hanggang gusto lang. Ayokong umabot pa ng higit pa doon.

Dahil ang gusto, pwedeng mawala iyan. Pero kung mahal? It might take years to get over someone you love. Or baka hindi rin mawala.

"We'll go to an event tomorrow," ani Mommy habang pinupunasan ang gilid ng kaniyang mga labi.

Kumunot ang noo ko. "On a sunday?"

Tumango si Mommy. "It's a feeding program. May pupuntahan tayong barangay at magpapakain at bibigyan sila ng mga needs nila."

Tumango ako. Matagal-tagal na rin naming hindi nagagawa ito. Sa Manila kasi ay laging sumasali sila Mommy sa feeding program or charity events para tulungan ang mga bata o pamilyang nangangailangan ng tulong. It's been almost what? Two years?

Kinabukasan ay maaga kaming tumulak sa barangay na sinabi ni Mommy. Hindi naman ganoong kalayo ang pinuntahan namin. May dala kaming mga boxes na naglalaman ng school bags, clothes (iyong iba ay iyong mga pinaglumaan ko), toys, canned goods, school supplies at iba pa.

I also brought my camera. Lagi kong dala ang aking camera dahil gusto kong maalala ang mga muka ng mga taong tinulungan namin. Giving is better than recieving as the saying goes. Nakakatuwa kasing makitang natutuwa ang mg tao sa tuwing tinutulungan namin sila.

I also use it as a reference sa mga drawings ko.

Maraming tao sa barangay court. Iyong mga bata ay naglalaro at nakikipagtawanan naman ang mga matatanda. It made me happy.

You see, these people? They struggle to earn money to buy their foods. Iyong ibang kabataan ay kailangan pang tumigil sa paga-aral para makatulong sa magulang. Sila 'yung mga namo-mroblema kung ano ang kakainin sa susunod na araw. Pero kahit mahirap ang buhay, nakukuha nilang ngumiti. Nakukuha nilang tumawa at panandaliang kinalimutan ang problema. Kasi may karamay sila. They have their family and their friends. They help each other.

It made me realize that happiness isn't all about money, toys, gadgets or anything that I have now. Aanhin ko iyon kung wala akong kaibigan? Kung wala akong pamilya? Those things are not permanent.

I should consider myself lucky. Nakakapag-aral ako. I don't have to work just to help my parents find money to feed ourselves. I don't have to worry about what to eat the next day. Kaya kung anong meron ako ngayon, gusto kong ibahagi sa kanila.

"Mr. And Mrs. Farrel! Masaya akong nakarating kayo! It's such an honor," nakangiting bati ng isang lalaki na hula ko ay ang mayor.

Inabot ni Daddy ang kamay niya para makipag kamay. "Mayor Ramos! Of course! Masaya kaming tumulong."

"Maraming maraming salamat talaga! Hindi nagkamali ang mga tao sa pgtiwala sa inyo. Ako'y nagagalak na may mga tao pa na katulad niyo dito sa mundo," marahang tumawa si Daddy. "Ah! This is my wife, Glenda. At ito ang nagi-isa kong anak, si Sofia."

Ngumiti ang babaeng katabi ng mayor na si Mrs. Glenda. Nagtama ang tingin namin kaya ngumiti ako.

"Magandang araw ho, Mr. and Mrs. Farrel. Ikingagalak kong makilala kayo," si Mommy ang tumanggap ng kaniyang kamay.

Can't Help Falling In Love (Estella Series # 1)Where stories live. Discover now