Chapter 7

18 1 0
                                    

Chapter 7

Happiness

Hindi ko na alam kung may igaganda pa ba ang senaryong ito. Ako, yakap ni Daddy, si Mommy ka-akbay ni Daddy habang pinapanood namin ang paglubog ng araw. Hinding hindi ko malilimutan ang araw na ito.

Nang sakupin ng kadiliman ang langit ay napag desisyunan naming mag dinner sa isang restaurant.

The night was cold. Mabuti na lang at naka jacket ako kaya hindi ako ganoong nilalamig.

For tomorrow, we're gonna tour around Pagudpud on a trike and see Kabigan Falls, and Bantay Abot Cave. Linggo ng hapon ay aalis na kami para bumalik na ng Bulacan.

"Den, picture," kinalabit ko ang ngumunguyang si Aiden. We're eating our desserts now. Busog na ako kahit marami pang nakalagay sa mesa.

Agad niyang nilunok ang kinakain at nag pose sa camera. Ilang pictures pa ang kinuha ko bago ko tignan lahat. Ang maganda kay Aiden ay hindi siya KJ. Kung minsan ay siya pa nga ang maga-ayang puicture-an ako. One of the things I love about him.

"What the hell is this face, Aiden?" Tumatawa kong pinakita ang picture kung saan nakatirik ang mata niya at nakalobo ang kaliwang pisngi.

"Tinatanggal ko 'yung tinga ko, e," walang paki niyang sabi kahit pangit siya sa picture.

Tumatawa akong pinost ang pictures namin sa instagram. Naglagay ako ng caption na: "Anong ginagawa niyu?"

Lumipas ang limang minuto ay biglang nag pop ang notifications ko. Nag comment pala ang mga kaibigan ko.

angela_gonzales: kiss!!

ronaaaan: Kaya pala 'di makontak si Aiden. Nagsama na pala kayo!! Taksil!!

Hindi ko napigilan ang mahinang pagtawa at umirap na lang.

Simula noong bata pa lamang ako ay wala akong masiyadong kaibigan. Mahiyain kasi ako. I don't talk that much, magsasalita lamang ako kapag tinatanog o kaya kapag magtatanong. Most of my friends are girls. Maarte at spoiled dahil lumaking mayaman. Kapag nakitaan ka ng mali o hindi nila gusto ay iiwanan ka nila at pagsasabihan ka ng masama. Naging kaibigan ko lang naman sila dahil nagta-trabaho sa business ang mga magulang nila. Kilala ng parents ko. Kaya kailangan kaibiganin ko sila.

Noong lumipat kami ng Bulacan ay nakilala ko naman si Aiden na gustong gusto nila mommy dahil best friends na nila ngayon ang parents niya. My parents never let me befriend someone unless they know their parents. Hindi ko alam kung para saan. Pero ang lagi kong iniisip ay para iyon sa kaligtasan ko.

Kilala nila Mommy sila Angela at Ronan. But everytime I talk about them ay nadidinig ko ang mahinang tikhim ni Mommy. Hindi naman kasi kilala ang mga magulang nila. Angela's mom is an accountant and her dad's an OFW. Ronan's mother is a housewife while his father's a seaman. Walang kinalaman sa business.

But when I met them, sila ang pinaka weird na taong nakilala ko. They talk about porn... while eating. They're the loudest freinds I've ever had. Hindi sila maarte. They're not spoiled either. Kain sila ng kain at gala ng gala. They eat whatever's on the table. And they're far more different than my friends in Manila. Kaya gusto ko sila. Dahil iba sila. Because they're real and weird.

Kinabukasan ay nagising ako sa isang pamilyar na kanta. Malakas ang boses nila at may kasama pang palakpak. Dinilat ko ang mata ko. Nakita ko si Mommy na may hawak na cake at sila Daddy na kumakanta sa likod ni Mommy. Nadito rin sila Tito Jericho at Tita Louissa kasama si Aiden. May party hat pa silang suot.

"Happy birthday to you. Happy birthday to you.." kinusot ko ang aking mga mata at hindi ko napigilan ang aking ngiti.

Umupo ako at hinayaan silang tapusin ang kanta. Doon ko lang nakita na nakatutok ang camera ni Aiden sa akin. Tinakpan ko ang muka ko. Kakagising ko lang!

Can't Help Falling In Love (Estella Series # 1)Where stories live. Discover now