Chapter 44

10 0 0
                                    


Chapter 44

Pag-usapan

"Oh, bakit ka umiiyak, Athira?" Nakangising tanong ni Ms. Macatapang.

Tumawa ako bago nagpunas ng luha. "Tears of joy, Ma'am! Finally, may sineryoso na si Aiden."

"I know right? Teary eyed din ako kanina. They look so good together! Akala ko talaga no'ng una, kayo ang magkakatuluyan. Hindi pala! Mukang bagay lang kayo ni Aiden pero mas bagay kayo ni Darius!" Ms. Macatapng laughed hysterically.

Nagpeke lamang ako ng tawa. Nagiwas ako ng tingin at bumuntong hininga.

Nagce-celebrate na sila doon sa gitna. Kinuhanan nila ng picture ang dalawa. Para mas magmukang masaya ako, lumapit ako sa kanila at niyakap sila pareho.

"I am so happy for the both of you!" I'm not.

Hindi ko napigilan ang aking pagluha nang gantihan nila ako ng yakap. Ngiti ka na lang, Athira. Para kunwari tears of joy.

"Bakit ka umiiyak? Huwag ka ngang umiyak!"

Tumawa ako at kumalas sa pagkakayakap. Kinurot ko sa braso si Aiden.

"Ikaw, huh? Huwag mong sasaktan 'yang si Sofia! Lagot ka sa akin kapag nagkataon," banta ko.

Niyakap ko si Sofia. Sobrang sakit, grabe. Hindi ko na kaya. Gusto ko na umuwi.

"Picture, dali! Kayong tatlo naman!"

Tumango ako at nagpunas ng luha. Pumwesto ako sa gitna nila at inakbayan sila pareho.

Dumaan ang tingin ko kay Ronan at Darius. Nakahalukipkip si Ronan habang umiiling. Nang magtama naman ang tingin namin ni Darius ay nag-iwas siya ng tingin.

Tumikhim ako at ngumiti na lang sa camera. Doon ko lamang napansin na may ibang mga tao pa palang nanonood. Iyong mga taong nagbubulungan sa corridor na ilusyonada raw si Sofia ay nandito habang nakatakip ang mga bibig. Iyong iba naman ay pumapalakpak at kumukuha ng litrato.

Sana gano'n lang kadaling maging masaya para sa kanila.

Hinatid ako ni Darius pauwi. Hindi ako maihahatid ni Aiden dahil si Sofia ang ihahatid niya at magpapakilala raw siya sa mga magulang ni Sofia. Si Ronan naman ay naiwan sa court para maglinis. Tutulong pa nga sana ako pero kinaladkad na ako ni Darius palabas.

"You're not okay... It's okay to cry."

Hindi ko nilingon si Darius. Nanatiling nakasandal ang ulo ko sa bintana habang minamasdan ang mga ilaw na nagdaan. Okay lang.

Umiling ako. "I'm tired..."

Hindi na ako nakarinig ng response mula sa kaniya. Tanging ang paghinga niya lang ang narinig ko.

I feel so drained. Kung may mas malalim pang definition sa drained, iyon na ang pakiramdam ko. Pagod na pagod na ako. Gusto ko na lang matulog. Gusto ko na lang magpahinga.

Ayoko na nito.

"Thank you..." tanging nasabi ko pagkababa ko ng sasakyan.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay tahimik at madilim. Alas siyete na rin kasi ng gabi at mukang wala pa sila Mommy. Bumuntong hininga ako at nagpasalamat. Ayoko muna silang makita o makusap. Gusto ko lang magpahinga.

"Oh, bakit ngayon ka lang? Kumain ka na ba? Kumain ka na. Wala pa ang Mommy at Daddy mo. Gagabihin raw sa trabaho," bungad ni Yaya Marlyn.

"Hindi po ako kakain... busog pa ako. Matutulog na po ako, Yaya."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at umakyat na ako sa aking kwarto. Pagpasok ko ay humilata agad ako at pumikit at pinilit ang sariling matulog. I didn't even bother opening up my cellphone even though tinadtad na ng mga tagged photos ang notifications ko. May text pa doon galing kay Angela but I am just too tired to do anything.

Can't Help Falling In Love (Estella Series # 1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang