Chapter 26

22 2 5
                                    

Chapter 26

Sign

Sa buong trip namin, ito na siguro ang pinakapaborito kong nangyari. Hindi ko magawang i-kumpara ang paglubog ng araw dito sa ibang mga lugar na napanood ko. Lahat maganda. Lahat may iba't-ibang kwento.

Ipinikit ko ang mga mata ko at nagdasal.

Lord, ano po ba talaga? Naguguluhan na ako. I hope this ends soon. Bigyan niyo na ho ako ng sign, o. Sasabihin ko na ba, Lord? Tulungan po Ninyo ako.

Mabilis lumipas ang mga araw. Iba't-ibang lugar na rin ang napuntahan namin. It was relieving and relaxing for me. Tila nakalimutan ko ata lahat ng stress ko dahil sa ginawa naming travel.

"I am so tired. I just want to sleep and never wake up," namumungay na ang mga mata ni Kuya Harold.

"Do you want that to happen? Sabihin mo lang at baka magawan natin ng paraan iyan," pang-aasar ni Kuya Andrew.

Tinaas naman ni Kuya Harold ang middle finger niya kaya natawa na lang si Kuya Andrew at bumulong pa ng pikon. Hindi naman ako makatawa dahil katulad ni Kuya Harold ay antok na antok na rin ako.

Kakatapos lang namin mag-dinner at kakauwi lang din namin from Boracay. Tamad na tamad at pagod na pagod akong umakyat sa taas para doon matulog. Masiyado na akong komportable rito sa sofa kaya dito na lang muna ako.

"Kuya, could you please shut up? Kung ayaw mong matulog kami ang patulugin mo, please," mahinang pagta-taray ni Andrea sa kaniyang Kuya.

"Go to your room if you want to sleep. Naglalaro ako dito."

Dito kasi kami tumuloy lahat kila Andrea. Dito nagpahanda ng dinner. Dahil nasa sala kami at hindi ko alam kung anong kinain ni Kuya Andrew dahil gising na gising siya at naglalaro pa sa TV.

Andi groaned in irritation. "I hate you."

Hindi ko na lang sila pinansin. Kahit na naglilikot si Andrea sa hita ko at bumabagsak na ang ulo ni Kuya Harold sa aking balikat ay hindi iyon naging hadlang para tuluyan akong hilahin ng antok.

"Wala! You're such a noob! Tanggapin mo na lang kasi na natalo kita! Panis pala iyang Julia mo, e!"

"Shut up, Yssa! Isa pang round!"

It's 11 pm at gising na gising na ang diwa namin dahil nakaidilip na kami. Sila Mommy naman ngayon ang natutulog. Bukas ng gabi ay may dadaluhan kaming event. It's an event for a cause. Ang alam ko'y sila Aiden ay dadalo rin doon. Hindi pa raw sigurado.

"I want to go for a dip. Who wants to come?" Pag-aya ko sa kanila.

"I'm coming with you!"

Kinabukasan ng tanghali ay umuwi na kami ng bahay dahil kinailangan pa naming mag-ayos para mamaya. Pagpasok ko ng kwarto ay saktong tumunog ang cellphone ko dahil sa isang text.

Aiden:

We're going to the event later. I have something for u :D

Tumaas ang kilay ko.

Athira:

What is it?

Aiden:

Secret ;)

Umirap ako at kinagat ang labi upang pigilan ang kilig. Maghunos dili ka nga, Athira Claudine! Ayan ka na naman! Simpleng text lang kinikilig ka na! Huwag ka ngang marupok!

"Athira, you done?"

"Yup!"

One last look in the mirror and then I went out of my room. I'm wearing a gold long chiffon dress while Mommy's wearing a black long chiffon dress. Si Daddy naman ay nakasuot ng suit and tie.

Can't Help Falling In Love (Estella Series # 1)Where stories live. Discover now