Chapter 35

11 2 4
                                    


Chapter 35

Feelings

Nanaig ang katahimikan sa aming dalawa ni Athira. No one dared to talk. As if both of us were afraid of saying something.

Bigla akong napaisip.

If I really do love Athira, I would take the risk, right? You take risks for the people you love. So maybe this isn't love. Baka hindi ko siya ganoong ka-mahal gaya ng nasa isip ko. Maybe this is all in my head.

"I'm glad I met you, Den."

Dahan-dahan ko siyang nilingon. This time, she's looking back at me. Her eyes shines like the million stars. She smiled.

"I wouldn't be here without you. You are such a great friend kahit na ang pangit pangit mo."

Tumawa ako ng malakas. Bahagyang gumaan ang loob. But the pain still lingers around ny heart. It stings.

"Hindi ko alam kung nanla-lambing ka ba o nang-iinsulto." Tumawa siya sa aking sagot.

"I'm glad I met you, too. You're my rock. Remember that. Kahit pader ka naman talaga."

"Aiden!"

We ended the night with laughter.

The other day, I woke up feeling heavy yet relieved. Dahil kahit hindi ko man direktang nasabi sa kaniya ang aking nararamdaman, at least I was able to voice out my opinion.

"We're growing old, Aiden. The clock's ticking. When are you planning on training for the company?"

Tanong ni Daddy habang kami ay nasa hapag. Matagal ko na ring napag-isipan iyan. Darating ang araw na ako na ang mamamahala ng aming kompanya kaya dapat ngayon pa lang nagt-train na ako.

"I was thinking after senior high, Daddy. Pwede ring ngayong sembreak."

I heard Mommy sigh. "Don't pressure yourself, anak. Mag focus ka muna sa pag-aaral mo."

Nagfo-focus naman ako. Pero hindi ko mapigilang sabihin sa aking isip na bakit pa? E, alam naman ng lahat kung anong tabaho ang bagsak ko.

Busy ang school pagsapit ng lunes. Kahit sila Athira dahil tinatayo na nila ang kanilang stall. Tinulungan ko silang mag-ayos.

"Hoy, Aiden. Bida-bida ka talaga. Sa stall nila Athira tumutulong ka tapos sa atin hindi?" Ani Hannah na masama ang tingin sa akin.

"Ehhh... akala ko tapos na kayo?" nagkamot ako ng batok.

"Oo nga, Aiden. Tulungan mo sina Hannah doon. Tignan mo, oh. Dalawa lang sila. Wala pa si Ronan," ngumiti si Athira at tinulak ako papunta sa pwesto ng mga ka-grupo ko.

"Sofia, hindi ba may performance kayo ng dance club mamaya? Anong oras ba iyon? Baka kailangan niyo nang mag-practice at handa," nilingon ko si Sofia.

Balita ko kay Athira ay marami na daw nasalihang clubs si Sofia. Dance club, math club, pati science club. Matalino si Sofia at hindi ko maitatanggi iyon. Athira told me once na medyo na-pressure siya dahil magaling talaga si Sofia.

Bumuntong hininga ako. Athira is very smart, too. Ilang beses na siyang pinanlaban sa mga quiz bees, nakaabot at nanalo sa provincial. She was once the president of the student council. But unlike Sofia, hindi siya madalas sumasali sa mga clubs. Lalo na iyong mga dance club, glee club or even sports club. Anything na ginagamitan ng katawan. Sumasali lang siya sa mga ginagamitan ng utak.

But Athira is very talented, though. Magaling din siyang sumaway although hindi niya naipapakita sa maraming tao. She is a very introverted person.

Can't Help Falling In Love (Estella Series # 1)Where stories live. Discover now